Cristy Fermin hindi na natutuwa kay Ricci Rivero: "Bungi-bungi ang kwento mo!"

Cristy Fermin hindi na natutuwa kay Ricci Rivero: "Bungi-bungi ang kwento mo!"

Cristy Fermin hindi na natutuwa kay Ricci Rivero: "Bungi-bungi ang kwento mo!"


 - May banat si Cristy Fermin kay Ricci Rivero dahil sa sinabi nitong natutulog kung minsan si Andrea sa kanyang bahay

- Hindi natutuwa si Cristy kay Ricci dahil kulang-kulang daw kasi ang mga pahayag nito at pinamumukhang 'basta-basta' lang si Andrea

- Wala pa naman opisyal na pahayag ang aktres sa sinabi ni Ricci sa panayam sa kanya ni Boy Abunda

Patuloy na hinihiritan ng showbiz insider na si Cristy Fermin ang ex-boyfriend ni Andrea Brillantes na si Ricci Rivero. Dahil ito sa naging viral na pahayag ni Ricci sa pahayag sa kanya ni Boy Abunda.

Pinuna ni Cristy ang pagkukuwento ni Ricci sa publiko na natutulog kung minsan ang aktres sa bahay niya dahil hindi maganda ang kahihinatnan nito para sa kanya at kay Andrea.

Tila pinamumukha raw kasi ni Ricci na 'basta-basta' nalang ang Kapamilya actress.

Aniya, “Anong gusto mong palabasin? Na si Andrea Brillantes ay isang just-just [basta-basta]? 'Di pa ba pagdedetalye yung sinabi mo na natutulog na kayo sa bahay ng isa’t isa? At may basbas ‘yan ng inyong mga magulang?”

“At yun na nga ang nangyayari ngayon. Konti pa lang ang inilalabas ni Blythe. Bungi-bungi ang kwento mo. Sana idinetalye mo para naging pasable para sa akin. Kaso kulang-kulang,” dagdag pa ni Cristy.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Andrea sa naging isyu ni Ricci na nahuling may babaeng nakatuwalya 'di umano ito sa kanyang condo.