Cristy Fermin sinabing walang responsibilidad si Paolo Contis sa mga anak: "Dapat alam ni Paolo kung..."

Cristy Fermin sinabing walang responsibilidad si Paolo Contis sa mga anak: "Dapat alam ni Paolo kung..."

Cristy Fermin sinabing walang responsibilidad si Paolo Contis sa mga anak: "Dapat alam ni Paolo kung..."


 - Muling tinira ni Cristy Fermin ang aktor na si Paolo Contis dahil sa umano'y kawalang responsibilidad nito sa anak

- Binabash kasi siya na hindi raw nito ginagawa ang obligasyon bilang ama ngunit nagpapamigay ng prizes sa kanyang programa

- Pinayuhan naman niya si Paolo na sana'y magpakatotoo na ito at huwag laging 'pikon'

Muling nakomentohan ni Cristy Fermin ang actor-host na si Paolo Contis dahil sa mga pambabash na natatanggap ng aktor dahil sa nakaraan nitong isyu.

Aniya, ang tinitira kasi ng netizens sa kanya ay ang kawalan nito ng responsibilidad bilang ama at obligasyon na hindi nito tinutupad.

"Ang binibira ng ating mga kababayan lalo na ng mga bashers mo 'yung kawalan mo ng responsibilidad. 'Yung obligasyon mo bilang tatay na hindi mo tinutupad sa iyong mga anak"

Matatandaang nagviral ang mga post patungkol kay Paolo dahil nakapagbigay umano ito ng mamahaling prize sa 'Eat Bulaga' ngunit hindi naman masustentuhan ang anak.

"'Yun lang naman ang ibinabato sa iyo. Pabigay-bigay kayo ng pera sa show, 'yung anak mo hindi mo sinusustentuhan. 'Yun lang naman 'yun. Hindi ka pinepersonal. Sana pinepersonal ka ng mga bashers, yung tungkol sa obligasyon mo na hindi mo tinutupad, 'yun ang inuukilkil sa'yo," pahayag ni Cristy.

Hirit pa nito, hindi raw dapat pikon si Paolo sa mga bashers dahil baka hindi nito mapanindigan ang mga sinasabi.

"Dapat alam ni Paolo Contis kung saan nagsisimula at nagwawakas 'yung pagpuna sa'yo ng publiko. 'Wag kang pikon. Magpakatotoo ka. Saka 'wag mo nang sinasabi 'yung 'sana ako na lang ang i-bash niyo. Kasi hindi mo naman kayang panindigan," dagdag pa niya.