Gus Abelgas, magbabalik telebisyon sa ONE PH

Gus Abelgas, magbabalik telebisyon sa ONE PH

Gus Abelgas, magbabalik telebisyon sa ONE PH
Kapag sinabing crime reporting sa bansa, isang pangalan ang laging nababanggit – si Gus Abelgas. Sumikat noon ang kanyang programa tuwing Sabado na nilutas ang mga karumaldumal na krimen. 

Ngayong 2023, nagbabalik si Gus Abelgas dala ang mga kwento ng mga krimeng kanilang siniyasat gamit ang siyensya. Bawat anggulo at ebidensya ang hihimayhimayin sa Gus Abelgas Forensics na mapapanood na ngayong July 15 sa One PH.

Sa una nitong episode, babalikan niya ang isang istorya ng pagpatay sa ka-live-in partner dahil sa mga bagong testimonya at ebidensyang lumutang. 

Ang suspek na nagtago, matapos maipalabas ang istorya sa dating programa, nahuli sa Southern Leyte at nagbigay ng kanyang bersyon ng mga pangyayari. 
Totoo nga ba ang kanyang isinalaysay na testimonya o dahilan niya lamang ito para hindi madiin sa karumaldumal na krimen?

’Yan at marami pang mga kaso ang tututukan at lulutasin ni Gus Abelgas gamit ang siyensya ng forensics at sa tulong ng mga eksperto sa kanyang pinakahihintay na pagbabalik telebisyon.

Abangan ang Gus Abelgas Forensics tuwing Sabado, 7PM, sa One PH na mapapanood sa Cignal TV Ch. 1, SatLite Ch. 1, o i-stream sa Cignal Play.