Joey de Leon tila nagpapapansin lang umano upang magpadami ng viewers ani Ogie Diaz

Joey de Leon tila nagpapapansin lang umano upang magpadami ng viewers ani Ogie Diaz

Joey de Leon tila nagpapapansin lang umano upang magpadami ng viewers ani Ogie Diaz


 - Napansin ni Ogie Diaz ang bashing na natatanggap ni Joey de Leon sa mga netizens dahil sa mga pasaring nito sa kalabang programa

- Sinabi niyang matagal nang gawain ni Joey ang ganito upang mag-viral at mapag-usapan muli online

- Tila dinepensehan niya rin ito dahil aniya'y hindi naman namemersonal si Joey sa mga patutsada nito

Maraming hindi natutuwa sa mga parinig ng E.A.T. host na si Joey de Leon laban sa mga kalaban nitong programa tulad ng It's Showtime.

Kamakailan lang kasi ay may post ito na masasabing pasaring niya sa pilot episode ng Showtime sa GTV nang magpa-helicopter si Vice Ganda papuntang GMA Network. 

"Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin…lagpas helicopter!" caption ng host.

Napansin naman ni Ogie Diaz ang hindi magandang reaksyon ng netizens sa mga sinasabing ito ni Joey de Leon.

Aniya, matagal nang ganyan si Joey dahil 'goal' nitong mag-viral at mapag-usapan ng publiko at makalikom ng viewers.

"Actually yaan, noon pa man, ganyan na si tito Joey sa mga ganyan niyang pahirit. 'Yan din kasi ang nagpapalakas ng panonood ng mga tao e. 'Ay baka may sabihin ulit si Joey kailangan live marinig ko na hindi yung mabasa ko lang dahil viral."

"Feeling ko, yun ang ano ni Joey. 'Yung goal niya is ma-viral ule at mas ma-curious pa 'yung mga tao na manood sa live." 

Depensa pa nito, hindi naman daw personal ang atake ni Joey. "Ang importante, hindi personalan na atake."

Mapapanood ang It's Showtime tuwing tanghali, 12NN, sa Kapamilya Channel, A2Z, Jeepney TV, at GTV. Pwede rin online sa YouTube at Facebook via Kapamilya Online Live.