Dolly de Leon, ikinumpara si Kathryn Bernardo kay Nora Aunor: "Parang batang Ate Guy..."

Dolly de Leon, ikinumpara si Kathryn Bernardo kay Nora Aunor: "Parang batang Ate Guy..."

Dolly de Leon, ikinumpara si Kathryn Bernardo kay Nora Aunor: "Parang batang Ate Guy..."


 - Pinuri ni Dolly de Leon ang aktres na si Kathryn Bernardo dahil sa pagiging 'humble' at magaling na katrabaho

- Ikinumpara niya si Kathryn kay Nora Aunor dahil nakikita niya raw ang aktres bilang 'batang Ate Guy'

- Magsasama ang dalawa sa pelikula ni Petersen Vargas na may pamagat na 'A Very Good Girl' sa ilalim ng Star Cinema

Masaya ang award-winning actress na si Dolly de Leon sa 'kapartner' nito sa bago niyang pelikulang 'A Very Good Girl' na walang iba kundi ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Dahil naging magkatrabaho ang dalawa, ibinahagi ni Dolly de Leon kung paano niya nakikita si Kathryn bilang ang 'batang Nora Aunor'.

Aniya, humble raw kasi si Kathryn at maraming nalalaman kaya natututo rin siya dahil sa Kapamilya star.

“Walang kaere-ere, wala at all. In fact, ang nakikita ko talaga sa kanya, honestly, is parang batang Ate Guy. Kasi she’s so friendly. Di ba, ganun si Ate Guy.

“She’s always welcoming and very warm. So that’s what I learned from her, to be a very warm person and to be you know a person for the people.

“Sobrang cool na babae. Ang tingin ko kasi sa kanya dati, parang nerd na parang ano, geek, na parang boring. Cool siya. Sobrang cool. She has many facets. She’s fun to be with," pahayag ni Dolly.

Dagdag pa niya, nakakatawa at masayang kasama si Kathryn. Natututo umano siya sa mga bagay-bagay kapag kasama ang aktres.

“She’s funny. Nakakatawa siya. She’s kalog. She knows a lot. I’m learning a lot from her. Not just about the industry, but a lot of things,” pagpuri pa nito,

Nakatakdang mapapanood sa mga sinehan ang 'A Very Good Girl' ngayong taon sa direksyon ni Petersen Vargas.