Cristy Fermin sinabing ang sumundo kay Awra sa kulungan ay PA ni Ion Perez: "Hindi siya pinabayaan..."

Cristy Fermin sinabing ang sumundo kay Awra sa kulungan ay PA ni Ion Perez: "Hindi siya pinabayaan..."

Cristy Fermin sinabing ang sumundo kay Awra sa kulungan ay PA ni Ion Perez: "Hindi siya pinabayaan..."


- May bagong chika muli si Cristy Fermin sa isyu ni Awra Briguela nang ito ay makulong sa Makati Custodial Jail

- Ang sumundo raw kay Awra sa kulungan ay PA ni Ion Perez na representative naman umano ni Vice Ganda

- 'Saludo' naman daw siya kay Vice dahil hindi umano nito kinunsinti ang maling nagawa ni Awra

Naibalita ng showbiz insider na si Cristy Fermin sa kanyang mga tagasubaybay na ang sumundo raw kay Awra Briguela mula sa kulungan ay ang personal assistant ni Ion Perez.

Matatandaang nakulong si Awra dahil sa mga reklamong natanggap niya nang magkaroon ng gulo sa pagitan niya at ng mga kalalakihan sa isang bar sa Poblacion, Makati City.

“Yung palang sumundo kay Awra Briguela nung magpiyansa siya ay PA pala ni Ion Perez?" tanong agad ni Cristy.

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang co-host at sinabing ito raw ang 'representative' ni Vice Ganda. Si Vice Ganda kasi ang manager ngayon ni Awra.

“Saka raw ‘yung pampiyansa na anim na libo? Maganda itong ginawa na ito ni Vice Ganda. Lumugar siya sa maayos. Siya ay manager ni Awra Briguela, hindi siya pinabayaan ang alaga niya. Pinag-piyansa niya tapos pinasundo sa assistant ni Ion.

“Pero alam mo ba na siniyerto niya talaga si Awra. Nilabhan niya at binanlawan. Hindi talaga niya talaga kinunsinti dahil mali naman talaga si Awra. ’Yon ang maganda kay Vice. Lumugar siya sa tama, ’di ba?” dagdag pa ni Cristy.

Puring-puri naman niya ulit si Vice dahil imbes na sabihing tama si Awra ay hindi niya umano ito kinunsinti.

“Kaya ako, saludo ako kay Vice Ganda. ’Yong hindi pagkunsinti sa mali, napakaganda nu’n. Pero hindi n’ya pinabayaan, pinasundo niya sa kinatawan niya at pinag-piyansa niya," diin pa nito.