Arjo Atayde at Maine Mendoza, ikakasal na "daw" ngayong July 28; mga detalye, nananatiling pribado

Arjo Atayde at Maine Mendoza, ikakasal na "daw" ngayong July 28; mga detalye, nananatiling pribado

Arjo Atayde at Maine Mendoza, ikakasal na "daw" ngayong July 28; mga detalye, nananatiling pribado
Kung tama ang mga kumakalat na bali-balita, ngayong July 28 (Biyernes) na ikakasal ang Kapamilya actor at Quezon City 1st District Congressman na si Arjo Atayde at TV host-actress na si Maine Mendoza sa Baguio City. 

Nananatili pa rin kasing pribado ang ibang detalye sa kasal nina Atayde at Mendoza, lalo't kagustuhan din daw ng dalawa na wag isapubliko ang kahit na anong detalye. 

Importante raw para kay Maine at Arjo ang petsang July 28, dahil noong 2013 ito ang petsa kung saan nag-tweet ang TV host na may caption na "arjo cutie", na tila nagpapahiwatig ng paghanga ng aktres kay Atayde na halos baguhan pa lang nung mga panahon na iyon.


July 28 din ng taong 2018 nang unang mag-krus ang landas ng dalawa para sa story conference ng 2018 Metro Manila Film Festival entry na "Jack Em Popoy: The Puliscredibles" ng CCM Film Productions, APT Entertainment at M-Zet Productions na pinagbidahan ni Mendoza kasama sina Coco Martin at Vic Sotto.


December 2018 nang unang maging magkasintahan sina Arjo at Maine, pero 2019 nang unang umugong ang bali-balitang nagde-date ang dalawa, na pinuna ng ilang fans ng AlDub, ang phenomenal loveteam nina Maine at Alden Richards na sumikat noong 2015 sa noontime show na Eat Bulaga!.

Sa isang instagram post naman nina Arjo at Maine noong December 2019, kinumpirma nila ng isang taon na silang magkasintahan ng mag-post sila ng pictures together bilang mag-boyfriend at girlfriend, na nasundan ng viral at sweet Tiktok video nilang dalawa na sumasayaw ng "Tala" noong 2020.

July 2022 nang mag-propose ng kasal si Atayde kay Maine, isang buwan matapos manalo ring Congressman sa unang distrito ng Quezon City si Atayde.