Boy Abunda nilinaw kung mag-aartista na si Bimby: "Totoo po 'yan na..."

Boy Abunda nilinaw kung mag-aartista na si Bimby: "Totoo po 'yan na..."

Boy Abunda nilinaw kung mag-aartista na si Bimby: "Totoo po 'yan na..."


 - Nilinaw ni Boy Abunda kung papasok na ang anak ni Kris Aquino na si Bimby sa industriya ng pag-aartista

- Hindi pa naman nakakapirma ng kontrata si Bimby sa kahit anong management upang maging ganap na na artista

- Sa ngayon daw ay ineexplore pa nila kung ano pa ang maaring gawin sa takbo ng career ni Bimby

Hindi pa pumipirma ng kahit anong kontrata upang maging ganap na artista si Bimby, ang anak ng binansagang 'Horror Queen of Philippine Cinema' na si Kris Aquino.

Ito'y matapos akalain ng mga netizens na magiging artista na si Bimby pagkatapos makitang kasama ang executives ng Cornerstone Entertainment at ni Tin Calawod na handler ni Kris.

Ang kumalat umanong litrato ay isang 'exploratory meeting' lamang upang makita ang mga posibilidad na mangyari sa takbo ni Bimby sa showbiz.

“Totoo po ‘yan na doon sa pag-uusap namin ay we were trying to explore kung ano ang mga pwedeng mangyari--the possibilities.”

“Pwede bang mag-artista si Bimb, ano ba ang gagawin? But it was more of an exploratory meeting,” aniya pa.

Alam naman daw at may permiso ni Kris ang naging meeting na ito sa pagitan ng Cornerstone at ni Bimby.

“Meron po ‘yang permiso ng kanyang ina, ang ating kaibigang si Kris Aquino."

“Kasulukuyan po, ang Cornerstone team ay nasa U.S. and we are hoping na magkausap si Kris at ang Cornerstone, pati na rin po si Bimb ay nakabalik na po sa America,” pahayag pa ni Boy Abunda.