Vice Ganda pinadelete ang mga wedding videos nila ni Ion: "Ayoko siyang kumalat kasi..."

Vice Ganda pinadelete ang mga wedding videos nila ni Ion: "Ayoko siyang kumalat kasi..."

Vice Ganda pinadelete ang mga wedding videos nila ni Ion: "Ayoko siyang kumalat kasi..."


 - Viral ang 'Everybody Sing' episode ni Vice Ganda kung saan ibinahagi niya ang kasal nila ng asawang si Ion Perez

- Naging emosyonal si Vice nang ikwento niya kung paano siya natakot noon sa mga sasabihin ng mga tao

- Natakot umano ito na baka mabash siya at si Ion Perez dahil marami pa ring hindi tanggap ang same sex marriage sa Pilipinas

Nagviral online ang kwento ng 'Everybody Sing' host na si Vice Ganda para sa nakaraang episode ng programa niya na umere nitong Sabado, July 1.

Matatandaang naibalita rin online ang naging kasal nila ng host at model na si Ion Perez noong October 2021 sa The Little Vegas Chapel sa Las Vegas, Nevada. 

Ito ang naikwento niya na nagpaantig sa mga damdamin ng mga manonood dahil aniya'y natakot siya na i-upload sa kanyang social media ang mga photos at videos sa naging kasal nila ni Ion.

“Sa inyo, di ba, ang sarap, mayroon kayong mga remembrance, meron kayong pictures, tsaka mga videos," saad niya sa isang contestant.

“Ako, ang una kong nasabi sa mga kasama namin, ‘Burahin niyo yung mga videos,’ kasi ayoko siyang kumalat kasi takot na takot ako.

“’Pag kumalat lang yan, iba-bash lang nila si Ion, iba-bash na naman nila ako, hindi nila i-o-honor yung love.’ Parang nakakainggit kasi ang ganda ng nangyari sa inyo,” pahayag ni Vice.

Aniya pa, kaya hindi rin daw niya ito ishinare sa publiko ay dahil ito ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya kaya hindi niya hahayaang bastusin ito ng mga tao.

“Kaya, buti na lang may kaisa-isang video na natira. Yung isang friend ko, hindi niya pala binura. Nu’ng nagpakasal na kami ni Ion sa (Las) Vegas, sinend niya sa akin pero ayoko pa ring ilabas.

“Kasi sabi ko, ‘Ito yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko, isi-share ko yun sa mundo tapos babastusin nila, kaya akin na lang yun. At least may natitira sa aking magandang memorya.

Dagdag pa nito, “Ang pinakamasuwerte lang na nangyari sa akin, yung fear ko noon, wala na.

“At yung care ko noon sa ibang tao, wala na. Kasi all my care now, lahat ng care ko, na kay Ion na lang at sa nararamdaman namin,” sabi ni Vice.