Anne Curtis inaming nag-away sila ni Vice Ganda dahil sa tumapong watermelon shake

Anne Curtis inaming nag-away sila ni Vice Ganda dahil sa tumapong watermelon shake

Anne Curtis inaming nag-away sila ni Vice Ganda dahil sa tumapong watermelon shake


 - Inamin ni Anne Curtis na nagkaroon sila ng away ni Vice Ganda dahil lamang sa isang watermelon shake na tumapon

- Ngunit wala pa naman silang pinag-awayan dahil sa 'grabeng' dahilan dahil magkasundo ang dalawa

- Nagkabati rin naman daw sila ni Vice pagkatapos ng halos dalawang araw ng kanilang pag-aaway

Nagguest ang It's Showtime host at Kapamilya star na si Anne Curtis sa 'Fast Talk With Boy Abunda' ng GMA matapos ang masayang collaboration nila sa GTV.

Sa kanyang guesting doon ay natanong siya ni Boy Abunda kung nagkaroon na ba sila ng away dahil sa pikunan at mga biruan.

Alam kasi ng lahat na talagang 'sisterettes' ang turingan ng dalawa lalo na't nakikita naman sa Showtime ang kanilang friendship.

“May mga pagkakataon ba na nagkakapikunan kayo? May mga panahon ba na that you guys feel you’re going boundaries of friendship sa inyong mga biruan?" tanong ni Boy Abunda.

Pag-amin ng aktres, nag-away sila ni Vice Ganda dahil sa watermelon shake na tumapon.

“Opo, nangyari na po sa amin po ni Vice. Pero nakakatawa po kasi ‘yung dahilan. Dahil lang sa isang watermelon shake,” natatawang hirit ni Anne.

“Talagang ‘yung relationship namin alam mo ‘yung away-magkapatid, dahil lang natapon ‘yung watermelon shake?

“Tapos doon lang ‘yun nag-start, na parang, ‘eh tinapon mo ‘yung watermelon shake,’ tapos sabi ko, ‘Watermelon shake... Okay sorry.’

“Tapos ‘yun na, lumaki nang lumaki. Pero ayun nagkabati rin kami after one or two days,” pagbabahagi ni Anne.

Ngunit nilinaw naman nitong ito na ang pinaka-'grabeng' away nila dahil hindi naman sila madalas mag-away.

“But anything beyond that, wala pa kaming away na grabe, ‘yung mga petty lang that’s the first and last disagreement,” dagdag pa nito.