Angelica Panganiban, inaming inakyat ang bakod ng ABS-CBN upang makapag-audition sa 'Ang TV'

Angelica Panganiban, inaming inakyat ang bakod ng ABS-CBN upang makapag-audition sa 'Ang TV'

Angelica Panganiban, inaming inakyat ang bakod ng ABS-CBN upang makapag-audition sa 'Ang TV'


 - Natatawang inamin ni Angelica Panganiban na sinabak niyang akyatin ang bakod ng ABS-CBN upang makapag-audition sa 'Ang TV'

- Binalikan nito ang umpisa ng karera niya sa showbiz nang mapansin siya ng isang talent agent na pinupush siyang mag-audition

- Nakapasa naman si Angelica sa audition niya at ito ang naging daan upang tuluyang sumikat ito sa industriya

Ibinahagi ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban ang kanyang naging karanasan na akyatin ang bakod ng ABS-CBN upang makapag-audition sa youth-oriented variety show na 'Ang TV'.

Sa panayam sa kanya ni Kiara Takahashi para sa 'Tatak Star Magic Celebrity Conversations' ng Star Magic sa YouTube, inalala niya ang pagkakataon na napansin ito ng isang talent agent nang manalo ito sa isang contest.

Dahil dito, inudyok siya nitong mag-audition sa mga commercials at sa programa nga ng ABS-CBN na ang Ang TV.

Kwento nito, “Kasi inabot namin yung cut-off like parang sasabihin natin parang 4 p.m. na hindi na nila papasukin ‘yung nasa dulo ng pila."

Ngunit hindi naman daw nila matanggap na simula madaling araw sila nakapila at hindi makakapasok kaya inakyat nalang nila ang bakod ng ABS-CBN.

“Kasi inabot namin yung cut-off like parang sasabihin natin parang 4 p.m. na hindi na nila papasukin ‘yung nasa dulo ng pila.

“Pero siyempre kami na madaling araw pa lang pumila na parang hindi namin matanggap na hindi kami makakapasok.

“So ‘yung mga parents binuhat kami, inakyat kami ng bakod para makapag-audition pa rin kami. Iyak ako nang iyak kasi nawawala ang mama ko,” pagbabahagi pa nito.

Nagbunga naman ang pagiging bahagi niya ng Ang TV dahil kahit ngayon ay nabibigyan pa rin ito ng proyekto ng ABS-CBN at naging sikat na artista.