Janella Salvador, may mensahe kaugnay ng kanyang viral tweet: "Palaban 'pag tama..."

Janella Salvador, may mensahe kaugnay ng kanyang viral tweet: "Palaban 'pag tama..."

Janella Salvador, may mensahe kaugnay ng kanyang viral tweet: "Palaban 'pag tama..."


 - Nagviral ang tweet ni Janella Salvador kamakailan dahil sa tila pasaring nito sa Star Magic sa catalogue nito

- May dugtong namang explanation dito si Janella sa exclusive report ni DJ Jhaiho para sa programa nitong 'Marites University'

- Inamin ni Janella na ang kanyang viral tweet ay dahil sa kanyang 'tampo' ngunit hindi naman opisyal na kinumpirma na ito'y sa Star Magic

Viral sa online world ang Kapamilya star na si Janella Salvador dahil sa tweet nitong may kinalaman 'di umano sa Star Magic Catalogue 2023. 

Makikita kasi sa front page ng catalogue ang mga bigating Star Magic stars tulad nalang nila KathNiel, Joshua Garcia, Gerald Anderson, Kim Chiu, at iba pa.

Ngunit hindi nakita sa nasabing pahina ang loyal Kapamilya star na si Janella Salvador kaya naman itinuturong ito ang dahilan kung bakit napa-tweet si Janella patungkol sa Star Magic gamit ang star at magic wand emoji.

Sa exclusive na scoop na nireport ni DJ Jhaiho sa programa niyang 'Marites University', tila may pa dugtong ito sa nasabing viral tweet.

"'Jea, sabay sinend ko yung tweet niya, hahahaha palaban'" pagkukwento ni DJ Jhaiho. 

"Nag-reply si Janella, ang sabi po ni Janella exclusive dito, 'Palaban pag tama yung pinaglalaban. Valid naman siguro yung tampo ko.

"Tapos sabi ko, 'totoo naman yan Jea, we love you.'" dagdag pa nito.

May permiso naman daw ni Janella na ibahagi sa kanilang programa ang naging sagot ni Janella Salvador.