Xyriel Manabat, sinagot ang basher na nagsabing pinagawa nito ang buong mukha: "cmmnsnse"

Xyriel Manabat, sinagot ang basher na nagsabing pinagawa nito ang buong mukha: "cmmnsnse"

Xyriel Manabat, sinagot ang basher na nagsabing pinagawa nito ang buong mukha: "cmmnsnse"


 - Hindi pinalagpas ni Xyriel Manabat ang isang basher na nagsabing hindi lang ang kanyang ilong ang pinaayos, kundi ang mukha rin

- Aniya, nasa sentro ng mukha kasi ang ilong kaya mukhang mababago ang ibang parte ng kanyang mukha

- Hindi rin naman daw niya idedeny ang pagpapagawa niya ng ilong dahil magaling ang doktor na umayos nito

Matatandaang nag-viral kamakailan ang mga litrato ng Kapamilya star na si Xyriel Manabat dahil sa kapansin-pansing pagpapaayos nito ng kanyang ilong.

Napansin din ng netizens na tila nag-iba rin ang ilang bahagi ng kanyang mukha kaya may mga hindi naiwasang magtanong o 'di kaya'y mambash.

Napansin naman ni Xyriel ang komento ng isang netizen na hindi naniniwalang ilong lang ang pinagawa ng aktres.

Ani ng nagcomment, "HAHA anong nose lang eh buong face mo nag iba. Wala naman masamang umamin, cyst. Lol."

Kaya naman nireplyan din ni Xyriel ito upang ipaalam sa netizen na 'common sense' lang na mag-iiba ang itsura ng mukha dahil nakasentro ang ilong.

"hi whats the point of denying po? Its something to be proud of... im being honest and transparent Ofc whole po magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at maapektuhan po talga na part ng face kaya magbabago po talaga whole face... cmmnsnse come on," reply niya sa basher.

Nirepost naman niya ito sa kanyang Instagram story at may pahabol pang caption, "Bat ko idedeny e ang galing ng doktor ko," giit niya pa.