Ricci Rivero dapat daw igarter ang dila ani Cristy Fermin: "Kuda nang kuda!"

Ricci Rivero dapat daw igarter ang dila ani Cristy Fermin: "Kuda nang kuda!"

Ricci Rivero dapat daw igarter ang dila ani Cristy Fermin: "Kuda nang kuda!"


 - Tila ni-realtalk ni Cristy Fermin si Ricci Rivero dahil sa viral na pahayag nito patungkol sa relasyon nila ni Andrea Brillantes

- Ipinahayag din ni Cristy ang makatotohanang opinyon niya sa kanyang programang 'Cristy Ferminute'

- Aniya, dapat daw ay lagyan ng garter ang bibig ng basketball star dahil pati ang pagtulog nila ni Andrea na magkasama ay isinapubliko pa niya

Matatandaang nagviral online ang naging panayam ni Boy Abunda sa dating boyfriend ni Andrea Brillantes na si Ricci Rivero upang linawin ang mga isyu patungkol sa kanya.

Dahil sa kanyang pahayag, gumawa ito ng ingay at pati ang showbiz program host na si Cristy Fermin ay 'nabulabog' sa sinabi ni Ricci patungkol sa pagtulog nila ni Andrea na magkasama.

Aniya, "Maaaring andun yung pagtatakip sa kanyang emosyon, ang maganda lang, mahusay magdala si Blythe diba? Mahusay siyang magdala ng problema. Bakit mo nga naman masyadong iiyakan? Ba't nga naman patatapos mo ang mundo mo dahil lang sa isang lalaki na nanakit sayo?" 

Kahit kalalaking tao ay kuda raw nang kuda si Ricci hindi gaya ni Andrea na tahimik lang sa naging isyu. 

"Tama ba naman na pati 'yung pagtulog nila sa bahay ng isa't isa, ikuwento pa ng kalalaking tao, 'di ba ang daldal? Napakadaldal. Si Andrea nga walang sinasabi 'di ba? Kababaeng tao pa ta's yun lalaki eh kuda nang kuda," hirit ni Cristy.

Dagdag pa nito, dapat raw ay malagyan na ng garter ang bibig ni Ricci upang malaman niya kung anong mga bagay ang maaari niyang ikuwento sa publiko sa hindi.

"Dapat may garter ang dila, alam kung ano ang nararapat sabihin sa publiko at alam kung ano ang kailangang sa kanila na lang. Hindi yung diretso na magsalita eh truthful na, hindi totoo yun. Meron ngang iba diyan, kung magsalita kala mo totoong totoo, pag nasukol naman eh magde-deny," giit niya.