Xyriel Manabat, mas pipiliing maging flat-chested: "Ang hirap po humanap ng matinong posisyon..."

Xyriel Manabat, mas pipiliing maging flat-chested: "Ang hirap po humanap ng matinong posisyon..."

Xyriel Manabat, mas pipiliing maging flat-chested: "Ang hirap po humanap ng matinong posisyon..."


- Ibinuking ni Xyriel Manabat ang mga struggle sa pagkakaroon ng dibdib na katulad ng sa kanya

- Inamin din nitong mas pipiliin niyang maging flat-chested kumpara sa kung anong meron siya ngayon dahil aniya'y nakakasakit ito ng likod

- Hindi naman daw niya ito ikinakahiya ngunit nakakaramdam lang ng hindi magandang kalagayan

Nainterview ang Kapamilya star na si Xyriel Manabat sa YouTube channel ni Ogie Diaz. Dito ay napag-usapan nila kung ano ang mga 'struggles' ni Xyriel sa pagkakaroon ng dibdib na tulad ng sa kanya.

Aniya, mas pipiliin niya ang pagiging flat-chested dahil nakakaramdam ito ng sakit sa katawan ngunit hindi rin naman daw niya ito ikinakahiya o inaayawan.

"Sa totoong buhay po, ang sakit po sa likod. Totoo po 'yung back pains tapos nakukuba ka po talaga. Tapos ang hirap po humanap ng matinong posisyon," pag-amin ng aktres.

Dagdag pa nito, "Mahirap po talaga and naiintindihan ko naman po 'yung iba na dream nila ito kasi ako personally sobrang attracted ko po sa mga babaeng flat chested. Kasi ang ganda nilang damitan. Kahit malaki, masikip, 'pag sinuot well, ang ganda ewan ko po parang 'yun yung perspective ko po."

"Flat chested... Hindi po dahil sa atensyon or sa pagiging séxy ibabase ah. 'Yung practicality for wardrobe malfunction, body pains, struggle po siya e. 'Di ko naman kinakahiya inaayawan," aniya pa.

Narito ang kabuuan ng video: