JC Alcantara, matindi ang pagmamahal sa LGBT; Open sa kahit anong roles

JC Alcantara, matindi ang pagmamahal sa LGBT; Open sa kahit anong roles

JC Alcantara, matindi ang pagmamahal sa LGBT; Open sa kahit anong roles


 - Kinaaliwan ang Kapamilya actor na si JC Alcantara sa pagganap niya bilang isang drag queen sa iWantTFC series na 'Drag You and Me'

- Inamin naman nitong walang issue sa kanya kung magmamahal ito ng miyembro ng LGBT community

- Super grateful naman siya sa mga blessings at proyektong natatanggap sa ABS-CBN kahit ano pa man ang role niya sa mga proyekto

Walang issue para sa Kapamilya actor na si JC Alcantara ang pagmamahal sa isang 'bakla'.

Iyan ang kinabiliban ng marami sa aktor dahil isa siya sa mga sumusuporta at talagang nagmamahal sa LGBTQIA+ community.

Sa kanyang presscon para sa bago niyang seryeng 'Drag You and Me', ipinakita niya ang pagmamahal niya sa bawat kasapi ng LGBT. Aniya, “Kung puwede ngang magmahal ng bakla, magmamahal ako, eh."

In-acknowledge rin niya ang nakadiscover sa kanya na gay person ngunit namayapa na ito kamakailan. Malaki kasi umano ang tulong na nagawa nito sa kanya upang makatungtong sa showbiz industry.

Naipakita naman muli ni JC sa mga Kapamilya ang versatility niya bilang isang aktor sa pagganap niya bilang Shania Lacroix, isang drag queen. Bago kasi siya umarte sa Drag You and Me, nakilala muna siya sa 'Hello Stranger' bilang si Mico.

Hindi rin daw siya naco-conscious sa kanyang image sa pag-arte bilang isang gay dahil naniniwala siyang hindi dapat siya mamili ng role na kanyang tatanggapin.

“Actually, hindi ako naniniwala sa typecast. Mas gusto ko ‘yung kahit anong projects ang ibigay sa akin ay gagawin ko kasi hindi mo rin naman kailangang mamili, eh, lalo na kung nag-aano ka sa craft mo. Sila na mismo ang magbibigay,” pagbabahagi ni JC.

Bilib naman ang mga tao sa kanya dahil talagang naipakita niya ang kanyang sarili sa bawat role na kinukuha niya. 

Mapapanood ang Drag You and Me tuwing Friday, 8PM sa iWantTFC.