Kathryn Bernardo kinilig sa paggawa ng eksena kasama si Dolly de Leon: "I love her. She's cool..."

Kathryn Bernardo kinilig sa paggawa ng eksena kasama si Dolly de Leon: "I love her. She's cool..."

Kathryn Bernardo kinilig sa paggawa ng eksena kasama si Dolly de Leon: "I love her. She's cool..."


 - Mayroon daw 'deal' sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon kapag gagawa sila ng eksena na magkasama sa bago nilang pelikula

- Pinuri naman ni Kathryn si Dolly sa pagguide nito sa kanya sa set at maging sa kanilang pag-acting magkasama

- Ibinahagi rin niya na ang dati raw niyang pangarap ay magkaroon lang ng malaking TV ngunit ngayon ay nakakapagpatayo na siya ng sarili niyang bahay

Sa panayam ng Inquirer sa Kapamilya star na si Kathryn Bernardo, naikwento ng aktres ang dati niyang pangarap at maging ang nangyayari sa loob ng taping nila ni Dolly de Leon para sa pelikula nilang 'A Very Good Girl'.

Kwento niya, isang malaki at napakagandang TV lang ang pangarap niya noong bata siya dahil paborito niya ang manood ng movies sa kanilang TV.

“Mahilig din kasi akong manood ng movies, mga favorite TV series ko noong bata ako, so siyempre ang go-to mo talaga is to have a really nice TV. Wala pang smart TV noon eh, wala pang Netflix noon, so uso lang noon iyong malaki tapos manipis na TV," sabi ng movie queen.

Proud naman daw siya sa kanyang sarili dahil talagang pinaghirapan niya kung ano ang mayroon siya ngayon lalo na't nakapagpatayo na ito ng sariling bahay.

Naichika rin niya sa Inquirer ang ganap sa taping nila sa 'A Very Good Girl' kung saan co-star niya ang batikang artistang si Dolly de Leon.

“Ten days na kami ng shooting. So far I’m really enjoying it. Sobrang kabado ako, kasi first time kong makatrabaho si Petersen, and everybody else. So the environment is pretty different from the usual,” pahayag ni Kathryn.

Hindi naman maitago ang pagkakilig ng aktres sa kanyang co-star nang ikwento ang 'deal' sa pagitan nila ni Dolly, “Oh my God, she’s so cool! I love her. So sa scene we have a deal, kapag may gagawin kami together, pagtratrabahuhan namin together to make it work.

“And I’m just happy na gina-guide niya ako every step of the way. She’s very supportive. And I love her. She’s cool. Okay siya talaga,” dagdag pa ni Kathryn.

Mapapanood ang 'A Very Good Girl' sa mga sinehan ngayong 2023.