Ricci Rivero, sinagot na kung may lalaking jowa; Nilinaw ang isyu kay Leren Bautista

Ricci Rivero, sinagot na kung may lalaking jowa; Nilinaw ang isyu kay Leren Bautista

Ricci Rivero, sinagot na kung may lalaking jowa; Nilinaw ang isyu kay Leren Bautista


 - May sagot na si Ricci Rivero sa usap-usapang mayroon siyang 'gay boyfriend' na dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes

- Nilinaw din nito ang isyu sa pagitan nila ng councilor na si Leren Bautista na chismis na online world

- Malaki naman daw ang respeto niya sa LGBT community dahil aniya'y maraming miyembro nito ang kasama niya araw-araw

May tugon na ang basketball star na si Ricci Rivero hinggil sa mga kumakalat na chismis sa kanya at sa naging hiwalayan nila ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Ilan na nga rito ang pagkakaroon niya raw ng 'gay boyfriend' at relasyon sa councilor na si Leren Bautista. Dito nga ay inamin niya na kung ano ang totoo sa mga balitang kumakalat.

Sa isang panayam sa kanya ay natanong siya kung nanligaw siya sa councilor at kung may relasyon ito sa kanya. Sagot nito, "Wala po."

Sumunod na tanong naman ay kung totoo ang chismis na mayroon siyang gay boyfriend na dahilan ng away nila ng dating girlfriend na si Andrea Brillantes.

“Sobrang laki po kasi ng respeto ko sa LGBTQ+ community, sobrang napapaligiran po ako ng part ng community na ‘yan kasi simula po noon nu’ng napasok din po ako sa showbiz industry.

“Even sa basketball naman marami po talaga akong nilu-look up in a way na ‘yung personality nila, the way the carry themselves na alam ko po mataas ‘yung respeto namin sa isa’t isa sa kanilang lahat na hindi naman po aabot sa romantic relationship,” pagbabahagi pa niya.

Kinumpirma rin nito na siya ay straight na taliwas sa mga balitang nagkaroon ito ng gay boyfriend.