Enrique, ikinumpara ni Cristy Fermin sa isang 'talong': "Para kang talong na nilaga..."

Enrique, ikinumpara ni Cristy Fermin sa isang 'talong': "Para kang talong na nilaga..."

Enrique, ikinumpara ni Cristy Fermin sa isang 'talong': "Para kang talong na nilaga..."


 - Ikinumpara ni Cristy Fermin ang aktor na si Enrique Gil sa isang talong

- Aniya, tila minaliit daw nila ang 'loveteam' na siyang nagpasikat sa kanilang dalawa ni Liza

- Hinihintay naman ngayon kung anong magiging proyekto ng aktor pagkatapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN

Naganap ang contract signing ng loyal Kapamilya star na si Enrique Gil noong April 25 sa kabila ng mga balitang inofferan umano ito ng GMA Network na maging exclusive artist nila.

Ngunit dalawang buwan na ang nakakalipas ay wala pa rin itong proyekto sa ilalim ng ABS-CBN kaya naman pati ang showbiz writer na si Cristy Fermin ay ginawan ito ng chika.

Aniya sa programang 'Cristy Ferminute', para umanong talong si Enrique na hindi pinahalagahan ang loveteam na siyang nagpasikat sa kanila ni Liza nang husto sa showbiz industry.

“Nabantilawan! Namarkahan sila ng tao kasi hindi kayo nagpapakatotoo, ayan ang nangyayari sa inyo. Para kang talong na nilaga, kalahati luto, kalahati hilaw kaya bantilawan.”

Hirit ni Romel, “Sayang napakaganda ng sinimulan nu’ng dumating sa dulo napabayaan.”

Para ulit kay Cristy, “Kasi hindi sila nakakawala doon sa ayaw na ayaw na loveteam ni Liza Soberano. Ayaw na ayaw, diyan nga kayo nakilala. Diyan kayo nagtagumpay.

“Diyan n’yo natupad sa pagiging magka-loveteam n’yo ang mga pangarap n’yo sa buhay.  Sa bandang dulo, itinapon? Minaliit, anong nangyari? E, di bantilawan,” dagdag pa nito.