Ogie Diaz may sagot kung handang makipag-ayos kay Liza: "Maliit lang ang showbiz..."

Ogie Diaz may sagot kung handang makipag-ayos kay Liza: "Maliit lang ang showbiz..."

Ogie Diaz may sagot kung handang makipag-ayos kay Liza: "Maliit lang ang showbiz..."


 - Matatandaang nagkaroon ng iringan sa pagitan ng showbiz manager na si Ogie Diaz at aktres na si Liza Soberano kamakailan

- Ngayong tila humupa na ang isyu, natanong naman si Ogie kung 'handa' na ito kung makikipag-ayos sa aktres

- Nilinaw naman nitong hindi o wala siyang galit sa dati niyang alaga dahil aniya'y hindi rin naman maganda kung magwi-'wish' tayo ng masama sa tao

Tila na-'hot seat' ang vlogger-showbiz manager na si Ogie Diaz sa panayam sa kanya ng Cinema News Channel. Napag-usapan kasi nila muli ang dating iringan sa pagitan nila ng dating alagang si Liza Soberano.

Ngunit aniya'y matagal na siyang naka-move on sa 'paghihiwalay' nila ni Liza dahil naipaliwanag naman mabuti ng dalaga ang minimithi nitong Hollywood dream sa kanya.

Walang sama ng loob ang manager at hindi naman daw mahirap sa kanyang magmove-on dahil 'gets' naman niya ang naging desisyon ng aktres.

“Hindi ka dapat mahirapan as long as you know the truth and you are telling the truth and only the truth. ‘Yun lang.

“Kasi kung nagsisinungaling ka, iba na ang statement mo. E, ako, hindi! and ang sa akin, gusto kong unawain kung saan nang gagaling si Liza kung gusto niya ng ng ibang career path wala naman problema sa akin.

“As long as tama lang naman ang sasabihin mo ‘yung hindi ako makukuwestiyon na bakit ito ang ginawa mo sa kanya, bakit ito ang sinabi mo against her, bakit ito sinabi niya against you.

“Siyempre kailangan ko rin naman sumagot kapag mayroon nang hundi maganda sa mga narinig ko. At kailangan kong ibangon ang integridad ko, ‘di ba?” mahabang pahayag ni Ogie.

Gayunpaman, grateful naman daw siya at tumatanaw ng utang na loob kay Liza dahil sa mga na-achieve nito sa buhay.

Natanong din ito kung handa na siyang makipag-ayos kay Liza. Tugon nito,“Kapag nga one time bigla kaming magkasalubong? Kung babatiin niya ako, babatiin ko siya.”

“Kasi ayoko naman lumapit baka ma-isnab ako, sa tanda kong ito sa industriya ma-isnab pa ako hindi na. Kung lalapit, thank you!” dagdag pa ni Ogie.

“Kapag binati ako ni Liza dyusko baka hindi ko na siya pakawalang yakapin kasi nga na-miss ko yung bata. Na-miss ko yung dating siya,” aniya pa.

Hindi naman daw siya galit kay Liza, “Oo, pangit naman na mag wish pa tayo ng masama sa tao. Marami rin naman ang gum*go rin sa akin.

“Pero hindi ko sila sinusumpa, hindi ko sila sinasabi ma-karma sila kasi alam naman ng yos ang ginagawa nila. Alam rin ng diyos ang ginagawa ko. Kasi kapag tinanim mo pa ‘yan dito, kakarga pa ‘yan sayo.

“Mas maganda na okay na okay na ‘yan. Ang importante wala ka nang karga. ‘Yun lang naman ‘yun. Saka wala akong sama ng loob kay Liza after all of this. Nilinaw ko lang naman ang ibang issue. ‘Yun lang naman ‘yun.

“Pero sama ng loob, wala. Tandaan mo, ‘pag naglaan ka ng sama ng loob, kasalanan mo ‘yun sa sarili mo,” pahayag nito.