Rendon Labador rumesbak kay Toni Fowler nang sabihan siyang 'pinakaplastic na influencer'

Rendon Labador rumesbak kay Toni Fowler nang sabihan siyang 'pinakaplastic na influencer'

Rendon Labador rumesbak kay Toni Fowler nang sabihan siyang 'pinakaplastic na influencer'


 - Napa-comment nalang si Rendon Labador sa sinabi ni Toni Fowler na siya ang 'pinakaplastic na influencer'

- Rumesbak siya hindi mismo kay Toni ngunit sa comment section ng isang social media post

- Personal raw kasing kilala ni Toni si Rendon ngunit iba ang ipinapakita nitong image para umano sa pera at kasikatan

Matatandaang itinuro ng kilalang 'Mommy Oni' na si Toni Fowler si Rendon Labador bilang pinakaplastic na social media influencer.

Nainterview kasi ni Isko Moreno si Toni kamakailan patungkol sa kanyang buhay sa likod ng TV at online world. Habang nag-uusap silang dalawa ay natanong ni Isko si Toni kung sino para sa kanya ang pinakaplastic na influencer.

Natawa nalang ang aktres ngunit sinagot din ang tanong. Aniya, si Rendon Labador para sa kanya ang pinakaplastic na influencer.

"Si Rendon Labador. Kasi hindi ko siya ganon nakilala. Ninang ako ng baby niya and he's portraying ang image na hindi siya for the sake of fame and money," chika ni Toni.

"Which is a flop and a fail. 'Yun ang nakakalungkot," dagdag pa nito.

Ngayon naman ay tila rumesbak na si Rendon sa sinabi ni Toni. Sa isang social media post mula sa KAMI, pinatamaan ni Rendon si Toni sa pamamagitan ng isang comment.

"Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic," aniya habang may hashtag na #StayMotivated.