Kyline, hindi raw showbiz friend si Andrea; Gustong makatrabaho si Belle

Kyline, hindi raw showbiz friend si Andrea; Gustong makatrabaho si Belle

Kyline, hindi raw showbiz friend si Andrea; Gustong makatrabaho si Belle


 - Inamin ng aktres na si Kyline Alcantara na hindi raw masasabing 'showbiz friendship' ang pagkakaibigan nila ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes

- Sinabi rin nitong sa lahat ng mga Kapamilya artists na gusto nitong makatrabaho, isa rito si Belle Mariano

- Nagkasama sina Kyline at Andrea sa ABS-CBN sa teleseryeng 'Annaliza' taong 2013

Nainterview ang kilalang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa mediacon ng bago niyang serye. Dito ay natanong siya kung sino sa mga Kapamilya artists ang game siyang maka-work someday.

Tila bukas na kasi ang pintuan ng dalawang network sa mga collaborations ngayong may on-going serye sila na 'Unbreak My Heart' na mapapanood sa GMA at iWantTFC.

Game naman daw siyang muling makatrabaho si Andrea Brillantes dahil aniya'y nagkasama na sila sa ABS-CBN para sa teleseryeng 'Annaliza'.

Bago kasi lumipat ng istasyon si Kyline ay ilang proyekto na rin ang kanyang nagawa bilang isang Kapamilya. Dagdag pa niya, isa si Belle Mariano sa gusto niyang makasama, “And, of course, gusto ko rin makatrabaho si Belle.”

Nang matanong sa friendship nila ni Andrea, “Marami siyang nagawa na ako lang ang nakakaalam. Marami akong nagawa na siya lang ang nakakaalam.”

“Ang sarap ho sa pakiramdam kasi, siyempre, hindi man ho ganu’n kaparehas ang mga pinagdaanan namin dati, pero dati, grabe yung supporta namin sa isa’t isa."

Hindi naman daw maituturing bilang 'showbiz friendship' ang kanilang pagkakaibigan dahil 'more than showbiz' ang turingan nila sa isa't isa.

“Until now pa naman po grabe yung suporta namin sa isa’t isa. Grabe yung bond, grabe yung friendship. Hindi po siya masasabi na showbiz friendship. Hindi po talaga.

“So, ang sarap ho sa pakiramdam na, at last, unti-unti po naming nakakamit yung pangarap namin, na dati sinasabi namin, ‘Ah, sana ganyan tayo. Sana ganito tayo,’ kaya ang sarap ho talaga sa pakiramdam,” sabi pa ni Kyline.

Dagdag pa nito, huli daw silang nagkita ni Belle sa birthday party ni Darren Espanto.