Rendon Labador, pinakaplastic na influencer ani Toni Fowler: "Inaaway niya rin si direk Coco..."

Rendon Labador, pinakaplastic na influencer ani Toni Fowler: "Inaaway niya rin si direk Coco..."

Rendon Labador, pinakaplastic na influencer ani Toni Fowler: "Inaaway niya rin si direk Coco..."


 - Itinuro ng kilalang 'Mommy Oni' na si Toni Fowler si Rendon Labador bilang pinakaplastic na social media influencer

-  Personal niya raw kasing kilala si Rendon ngunit iba ang ipinapakita nitong image para umano sa pera at kasikatan

- Aniya, nilamon lang daw talaga si Rendon at hindi talaga ganon ang ugali nito sa tunay na buhay

Guest ang sikat na internet personality at aktres na si Toni Fowler sa programa ni Isko Moreno na 'Iskovery Night' sa YouTube channel ng dating public servant.

Dito ay nainterview ni Isko si Toni patungkol sa kanyang buhay sa likod ng TV at online world. Kilala kasi siya sa tawag na 'Mommy Oni' dahil patok sa netizens ang kanyang contents sa social media.

Habang nag-uusap silang dalawa ay natanong ni Isko si Toni kung sino para sa kanya ang pinakaplastic na influencer.

Natawa nalang ang aktres ngunit sinagot din ang tanong. Aniya, si Rendon Labador para sa kanya ang pinakaplastic na influencer.

"Si Rendon Labador. Kasi hindi ko siya ganon nakilala. Ninang ako ng baby niya and he's portraying ang image na hindi siya for the sake of fame and money," chika ni Toni.

"Which is a flop and a fail. 'Yun ang nakakalungkot," dagdag pa nito.

Nagbigay pa ulit ito ng dahilan kung bakit niya itinurong pinakaplastic si Rendon. 

"Inaaway niya rin si direk Coco na kesyo 'yung sa Quiapo, kawawa 'yung mga tao," aniya pa.

May point naman daw si Rendon ngunit naniniwala siyang ang pang-aaway nito ay ang hindi tunay na katauhan ni Rendon at kinain lamang ito ng sistema.