Janice de Belen, may 'excitement' sa kissing scene nila ni Andrea sa Dirty Linen

Janice de Belen, may 'excitement' sa kissing scene nila ni Andrea sa Dirty Linen

Janice de Belen, may 'excitement' sa kissing scene nila ni Andrea sa Dirty Linen


 - Inamin ng Kapamilya actress na si Janice de Belen na ang role ni Leona Fiero ang pinaka-exciting niyang naging role

- Trending naman sa social media ang naging kissing scene niya kasama si Andrea Del Rosario kamakailan

- Tila ninerbyos nga raw ito dahil inakala na ng mga tao na siya ay bahagi na rin ng LGBT dahil sa papel niya sa 'Dirty Linen'

Laging usap-usapan sa online world ang Kapamilya primetime teleserye na 'Dirty Linen' dahil sa mga intense na eksena at pasabog gabi-gabi.

Kaya naman exciting para sa Kapamilya star na si Janice de Belen ang kanyang papel na ginagampanan dahil isa ang kanyang karakter sa mga inaabangan sa serye.

Isa sa naging viral na eksena niya ay ang kissing scene kasama ang kapwa aktres na si Andrea Del Rosario kaya naman marami umano raw sa kanyang nagme-message na inaakalang totoong parte na siya ng LGBT.

Sa panayam sa kanya ng TeleRadyo, naikwento nito kung paano ka-exciting ang kanyang role bilang si Leona Fiero.

“I think ito ‘yung pinaka-excited ako na role na gawin in a really long time. Siguro because the script is exciting, it’s really different.

“Hindi siya ‘yung lagi kong ginagawa na nanay na mabait. Ito talaga kakaiba talaga, sobrang excited ako. So siguro ‘yung excitement ko eh nakikita sa ibinibigay kong work,” pagbabahagi nito.

Dagdag pa niya, “Actually nu’ng tini-tape namin siya, kahit naman kami, lahat kami sa cast, we felt the same excitement at saka lahat kami parang gusto naming mag-work.

“Kasi excited kami, ano ang magaganap, paano made-develop yung mga character namin.”

Tila nagulat nga rin daw siya nang magkaroon ng twist ang karakter niya sa Dirty Linen na nainlove kay Olga.

“Gindi ko rin in-expect ‘yon kasi hindi agad sinabi sa akin. Nu’ng story conference ko lang din nalaman na ‘ah talaga.’

“Alam mo nu’ng narinig ko na magiging ganu’n ‘yung role, wala na akong tinanong kung may kissing scene ba. Inisip ko na lang may possibility na baka mayroon. Pero it’s work, kung ‘yan ang kailangan,” sabi pa niya.

“Medyo ninenerbiyos din ako kasi parang iniisip yata ng tao totoo. At saka ang daming bumabati sa akin na Happy Pride, Happy Pride Month. Sabi ko, ‘ninenerbiyos yata ako.’ Kaya sabi ko ‘iniisip yata nila totoo,” chika ni Janice.