Bea Binene nagdala ng baked goodies sa mga momshies sa Magandang Buhay

Bea Binene nagdala ng baked goodies sa mga momshies sa Magandang Buhay

Bea Binene nagdala ng baked goodies sa mga momshies sa Magandang Buhay

 


- First time makita sa Kapamilya network ang dating Kapuso artist na si Bea Binene sa Magandang Buhay kanina lamang umaga, June 20

- Nagdala ng baked goodies ang aktres sa mga momshies mula sa kanyang sariling business na 'Bea Bakes'

- Nagpromote naman ito ng pelikula niya sa mga Kapamilya na 'Will You Be My Ex?' under Viva Films

Masayang bumisita ang aktres na si Bea Binene sa tahanan ng ABS-CBN matapos itong pumirma ng kontrata sa ilalim ng Viva Artists Agency matapos hindi na ni-renew ng GMA Artist Center (Sparkle) ang kanyang kontrata.

Unang nasaksihan bilang isang 'Kapamilya' si Bea sa morning talkshow na Magandang Buhay at nagdala pa ng baked goodies upang ishare sa mga momshies.

Mula ito sa kanyang business na 'Bea Bakes' kung saan nagbebenta ito ng mga baked goods tulad ng cookies, crinkles, at chocolate cakes na kanyang ipinatikim kina Melai, Regine, at Jolina.

Nagpromote naman ito ng kanyang pelikulang 'Will You Be My Ex' ng Viva Films kung saan makakasama niya rito sina Julia Barretto at Diego Loyzaga. Ishinare niya rin ang kanyang cafe business na matatagpuan sa Nueva Ecija.

"Never in my life ko pong naisip na masasabi ko 'to. Good morning mga Kapamilya!" masayang bati ni Bea sa mga Kapamilya.