Sunshine Dizon, sinagot ang isang basher na nakikialam: "Wag Makisawsaw"

Sunshine Dizon, sinagot ang isang basher na nakikialam: "Wag Makisawsaw"

Sunshine Dizon, sinagot ang isang basher na nakikialam: "Wag Makisawsaw"
- Hindi napigilan ni Sunshine ang sarili na sagutin ang isang basher

- Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi kasi ito ng babalanukol sa isang scammer

- Isang basher ang hinamon siyang patunayan na scammer ang pinu post niya, na siyang agad namang sinagot ni Sunshine

Hindi napigilang mag kumento ni Sunshine Dizon sa isang kumento laban sa kaniya ng isang basher kaugnay ng IG post niya.

Sa isang Instagram post, na ngayon ay binura na niya, ibinahagi ni Sunshine ang babala niya sa mga taong malalapit sa kaniya ang kaugnay sa maaaring pambibiktima ng isang scammer sa kanila.

Sa sumunod na IG post ni Sunshine ay humingi ito ng dispensa sa mga naapektuhan sa kaniyang naunang post, kilala niya umano ang scammer at nais niyang maging wake up call ang naunang post niya para magbago na ito.

Isang basher naman niya ang nag kumento at hinamon pa siyang ilabas ang pruweba sa mga sinasabi niya.

Hindi naman ito pinalagpas ni Sunshine at agad binuweltahan ang naturang basher.

"Wag makikisawsaw malinaw na sinabing YOU KNOW WHO IM TALKING ABOUT kung di mo kilala di para sayo ang warning. Kung kilala mo naman mag demanda ka," ani Sunshine.