Charlie Dizon at Carlo Aquino, spotted na magkasama sa La Union!

Charlie Dizon at Carlo Aquino, spotted na magkasama sa La Union!

Charlie Dizon at Carlo Aquino, spotted na magkasama sa La Union!
Naispatan na magkasama ang napapabalitang magkasintahan na sina Charlie Dizon at Carlo Aquino kasama ang pamilya ng aktor sa La Union.

Muling umugong ang tsismis sa totoong namamagitan sa Kapamilya stars na sina Charlie at Carlo dahil sa mga bagong larawan nilang dalawa na magkasama na ibinahagi ng local restaurant na Halo Halo de iLoko La Union sa Facebook.

“CARLO AQUINO is in the house! It’s nice to see you again!,” caption ng nasabing Facebook page.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang larawan na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account kasama ang mga kaibigan at ang aktor matapos mapansin ng mga netizen ang kakaibang closeness ng dalawa.
Huling karelasyon ng aktor ang model-vlogger na si Trina Candaza. Nagkaroon ng anak ang dalawa na ngayon ay dalawang taong gulang na, bago sila naghiwalay noong nakaraang taon matapos ang kanilang tatlong taon na relasyon.

Kamakailan lang ay muling sinariwa ni Trina ang kanyang naging 2022 journey at binanggit kung gaano siya ka-blessed sa kabila ng pagkawala ng isang taong 'excited' umanong tanggalin siya sa buhay nito.

Nalink naman si Charlie sa kanyang "Viral: Scandal" co-star na si Jameson Blake noong nakaraang taon ngunit naging tikom ang bibig ng dalawa sa isyu.

Sina Charlie at Carlo ay bibida sa romantic film na "Love on a Budget" na handog ng ABS-CBN at Black Sheep ngayong 2023.