Vice Ganda ibinunyag kung kailan ang pagbabalik ni Vhong sa Showtime

Vice Ganda ibinunyag kung kailan ang pagbabalik ni Vhong sa Showtime

Vice Ganda ibinunyag kung kailan ang pagbabalik ni Vhong sa Showtime
- Nagsalita na ang It's Showtime host na si Vice Ganda patungkol sa co-host nitong si Vhong Navarro

- Isiniwalat niya kung kailangan nga ba magbabalik sa programa si Vhong

- Ito ay matapos na makapag piyansa at makalaya si Vhong mula sa pagkaka-kulong

Nagsalita na sa unang pagkakataon ang It's Showtime host na si Vice Ganda patungkol sa nalalapit na pagbabalik ni Vhong Navarro sa programa.

Kamakailan lamang nga ay nakalaya na si Vhong Navarro mula sa pagkakakulong niya sa kasong isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo, ito ay matapos na mabigyan siya ng pagkakataong makapag-piyansa habang patuloy na nililitis ang kaniyang kaso.

Sa pagkalaya nga ni Vhong ay ibinahagi niyang excited na siyang magbalik sa It's Showtime at makasamang muli ang Madlang Pipol.

Sa nagdaang episode ng It's Showtime ay ibinahagi ni Vice Ganda ang patungkol kay Vhong matapos na kamustahin niya ito ng live sa programa.

"Si Vhong nanonood, Hi Vhong! Gusto niyo bang malaman kung kailan babalik si Vhong?" ani ni Vice sa kalagitnaan ng "Girl on Fire" segment nila.

Ibinahagi ni Vice na sa bawat presscons niya ay palagi raw siyang natatanong kung kailan na nga ba magbabalik sa programa si Vhong.

"Sa lahat ng nagtatanong sa'kin kailan babalik si Vhong, isang sagutan na lang... una, hindi po ako ang manager ni Vhong so hindi ako ang magde-decide kung kailan siya babalik. Pangalawa, pagpahingahin po muna natin siya. Pangatlo, babalik siya!," pagku-kwento nito.

"Babalik siya. He promised to come back," dagdag pa niya.

Panoorin ang kabuuan dito: