Brenda Mage ninakawan ng mga alahas, Kaibigan pa niya ang nagnakaw?

Brenda Mage ninakawan ng mga alahas, Kaibigan pa niya ang nagnakaw?

Brenda Mage ninakawan ng mga alahas, Kaibigan pa niya ang nagnakaw?
- Sa kaniyang facebook page ay ibinahagi ni Brenda Mage na nanakawan siya ng alahas

- Sa kaniyang pist ay sinabi niyang singing, dalawang hikaw at isang pendant ang ninakaw sa kaniya

- Malakas din ang kutob niyang ang kumuha nito ay kakilala at kaibigan pa niya

Sa kaniyang facebook page ay ibinahagi ni Brenda Mage ang patungkol sa pagkakanakaw ng kaniyang mga alahas.

Ibinahagi niya ang mga litrato ng mga alahas niya, noong una ay tila idinaan niya sa biro ang pagkakawala nito dahil sa hindi pa umano fully paid ang lahat ng ito.

"So Sad..isang singsing na may kumpletong Bato dalawang hikaw at isang Pendant ang nawala... try natin kung mahulaan ba ng manghuhula ang nagnakaw ng mga alahas ko... kaloka dipa nga fullypaid ninakaw pa... malaman ko lang sinu kang Tridor ka..," kwento niya.

Sa sumunod niyang post ay ikinuwento niya na hindi umano siya nagsisisi na naging open siya sa mga kaibigan niya, dahilan upang maisip ng netizens na kakilala at kaibigan niya ang nagnakaw ng mga alahas niya.

"Never kong pinagsisihan at hinding hindi ko pagsisihan na naging open ako sa mga kaibigan ko sa loob ng kwarto ko.....Kung nanakawan man ako diko na kasalanan yun..Kahit sinuman magtiwala ka man o hindi maging mahigpit ka man o hindi kung talagang may gustong magnakaw mananakawan ka talaga.."

At sa mga sumunod pa nga niyang post ay maging sya ay iniisip na kaibigan pa niya ang nagnakaw sa kaniya.

"Kung totoo man huhuhu nakakalungkot bakit mo nagawa sakin yun 🥹 Nagbibigay naman ako pag kailangan nagpapautang naman ako pag kailangan.. Bakit mo pa ako nanakawan?," kwento nito.

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon at nangyayari tong ganitong bagay.. Dahil mas natututo ako at mas nakikilala ko yung mga totoong tao sa paligid ko.. Thankyou Lord," sunod na post pa niya.