Ogie Diaz, nakiramay sa kaibigang si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng asawa nito

Ogie Diaz, nakiramay sa kaibigang si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng asawa nito

Ogie Diaz, nakiramay sa kaibigang si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng asawa nito
- Ngayong araw ay pumanaw na ang asaw ang aktor na si Andrew Schimmer

- Sa kaniyang facebook account ay kinumpirma nito ang pagpanaw ng asawa

- Nagbahagi naman ng mensahe ang showbiz manager na si Ogie Diaz sa pagpanaw nito

Labis na naghihinagpis ngayon ang aktor na si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng kaniyang asawang si Jho.

Sa isang maiksing video ay ikinuwento ni Andrew ang pinagdaanan ng asawa sa mga huling sandali nito, kaakibat na rin ang pagluha niya dahil sa pangyayari.

"Inabutan natin siyang nire-revive ng mga doctors at nurses. They did evertyhing they could," emosyonal na sinabi ni Andrew. 

Ang masaklap pa umano sa nangyari, kaarawan ng kanilang bunsong anak ngayon na hindi na inabutang buhay ang ina. 

"Ang sakit lang, birthday ng bunso namin mamaya... Hindi siya inabutan nung bunso namin," naluluha nang sinabi ni Andrew. 

Gayunpaman ay nagpapasalamat itp sa lahat ng tumulong at nagbigay dasal sa kaniyang pamilya lalo na para sa kaniyang asawa.

Samantala sa kaniyang facebook account naman ay naghatid ng pakikiramay niya si Ofie Diaz sa kaibigang si Andrew Schimmer.

"Ang aking taos-pusong pakikiramay, John Andrew Schimmer… Lagi mong iisipin: sobra ang pasasalamat sa iyo ni Jho, dahil merong natatanging lalake na mula umpisa hanggang huli ng kanyang pakikipaglaban sa buhay, naramdaman niya ang lalim ng iyong pagmamahal."

"Naipikit ni Jho ang kanyang mga mata na panatag ang loob na nasa mabuting kamay ang inyong mga ana."

Ang asawa ni Andrew na si Jho ay nagkaroon ng asthma at tack na kalauna'y sinundan naman ng brain hypoxia, mahigit sa isang taon din itong nakipaglaban sa kaniyang sakit at ngayon nga'y hindi na kinayanan pa ang kaniyang karamdaman.