Cristy Fermin ikinuwento ang naranasang pagiging laging 'late' ni Alex sa dating show nila

Cristy Fermin ikinuwento ang naranasang pagiging laging 'late' ni Alex sa dating show nila

Cristy Fermin ikinuwento ang naranasang pagiging laging 'late' ni Alex sa dating show nila
- Ikinuwento ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang patungkol sa karanasan niya kay Alex Gonzaga

- Naging paksa kasi ng showbiz show niya ang naging hidwaan umano nina Dina Bonnevie at Alex Gonzaga

- Naibahagi ni Cristy na madalas umano'ng nali late si Alex Gonzaga sa dati nilang show

Isa sa naging paksa ng showbiz news show ni Cristy Fermin ay ang patungkol sa kwento ng tila naging hidwaan nina Alex Gonzaga at Dina Bonnevie na nabuhay kamakailan matapos na ikinuwento ni Alex ang karanasan niya laban kay Dina.

Nai-ungkat kasi kamakailan sa isang podcast/vlog ni Alex Gonzaga ang karanasan niya na nagbigay trauma umano sa kaniya, matapos na talakan at sigawan umano siya ng isang matandang aktres noon sa isang taping ng show nila matapos na hindi niya ano sinasadyang ma late.

Na-idikit naman ito sa isang lumang video na ni Dina habang naglu-kwento patungkol sa minalditahan niyang young actress dahil sa palagian umano nitong pagiging late sa kanilang taping, darating sa set ng naka pajama pa at tila ba binabastos ang oras nilang mga nakatatanda sa programa.

Nagbigay nga ng opinyon niya si Cristy Fermin ukol dito at saka nagbahagi ng kwento patungkol na rin sa naranasan niyang lalagiang late ni Alex sa kanilang lumang programa.

Sey ni Cristy, kung talagang si Alex nga ang tinutukoy ni Dina, sana raw ay matuto itong rumespeto sa kaniyang co-stars, lalo na’t puro senior stars na pala ang mga kasama niya. Dapat siya ang nauuna sa set bilang pagpapakita ng paggalang sa lahat. Kung may iba naman raket, sana raw ay matutong manimbang kung ano ang kailangan niyang bitiwan, o mag-isip ng diskarte kung paano hindi makapagdudulot ng pagkaantala sa iba.

Naibahagi nga ni Cristy na madalas din ang pagka late noon ni Alex sa programa nilang 'Juicy' at katwiran ano nito na madaling araw na raw ito pinakakawalan sa isa pa niyang proyektong kinabibilangan.

Giit naman ni Cristy na sana raw ay bitiwan an lang ni Alex ang ilang programa niya para hindi niya napaghihintay ang co-stars niya, “Para hindi ka nale-late dito na ang dami-daming naaapektuhan sa pagiging late mo," ani Cristy.

“Tapos darating siya nakasimangot, alam naman natin… naka-tsinelas… hindi nakagayak… ganoon na ganoon sa sinabi ni Dina.”

Hindi rin nagustuhan ni Cristy ang pagtawag ni Alex kay Dina na "artistang matanda" dahil nakakabastos umano ito.