Ogie Diaz nakausap na si Vhong Navarro, Hindi pa raw magbabalik sa It's Showtime?

Ogie Diaz nakausap na si Vhong Navarro, Hindi pa raw magbabalik sa It's Showtime?

Ogie Diaz nakausap na si Vhong Navarro, Hindi pa raw magbabalik sa It's Showtime?
- Sa latest showbiz update ni Ogie Diaz ay nagbahagi ito ng balita ukol kay Vhong Navarro

- Nakausap ano ito hingil sa pagbabalik niya sa programang It's Showtime

- Kasunod ito ng matapos niyang mag piyansa mula sa kaniyang pagkakakulong

Sa latest showbiz news update ng Showbiz Manager at YouTuber na si Ogie Diaz ay ibinahagi nito ang naging pag-uusap nila ni Vhong Navarro.

Ibinahagi nito na sa kanilang pag-uusap ay nai-kwento sa kaniya ni Vhong ang ilan sa mga plano nito sa buhay kabilang na rito ang pagbabalik niya sa programang It's Showtime.

“Kasi nga nakausap ko si Vhong Navarro,” panimulang hirit ni Ogie sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ng partner niya sa vlog na si Mama Loi.

"Hindi pa muna siya babalik sa 'It's Showtime.' Pero babalik din siya,” dugtong niya.

Paliwanag ni Ogie na e-enjoyin pa muna umano ni Vhong ang holiday kasama ang kaniyang asawa at mga anak.

"Pero sa ngayon, ini-enjoy niya nga muna 'yung kanyang mag-iina. Katulad 'yung mga anak niya na medyo dinapuan din ng anxiety, ng depression mula nung ang kanilang ama ay nakulong kaya ngayon ay ini-enjoy nang bonggang-bongga ni Vhong 'yung kanyang mag-iina lalo na 'yung kanilang mga kids.”

Matatandaan ngang kamakailan lamang ay nakapag-piyansa na siya sa kasong isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo kaugnay pa rin sa nangyari sa pagitan nila noong taong 2014 pa.

Panoorin ang vlog ni Ogie rito: