Sue, naloka nang makatambal si Richard sa 'The Iron Heart'; Hindi pa handang magpakasal

Sue, naloka nang makatambal si Richard sa 'The Iron Heart'; Hindi pa handang magpakasal

Sue, naloka nang makatambal si Richard sa 'The Iron Heart'; Hindi pa handang magpakasal


 - Inamin ni Sue Ramirez na talagang naloka siya nang makatambal niya si Richard Gutierrez para sa 'The Iron Heart' ng ABS-CBN

- Gentleman naman niya kung ituring si Richard dahil napakabait umano nito at tutok na tutok siya sa bagong serye nila

- Hindi pa naman siya handang magpakasal sa nobyong si Javi Benitez dahil bata pa raw siya para rito

Pagkatapos ng success na iniwan ng local adaptation ng 'Doctor Foster' na 'The Broken Marriage Vow', may bagong proyekto na namang ginagawa ang gumanap kay Lexy Lucero para ulit sa ABS-CBN.

Hindi naman siya nagpahuli sa role niyang kontrabida kaya naman tiyak na bibigyan niya ng hustisya ang bagong papel niya sa 'The Iron Heart', ang bagong action-serye mula sa Star Creatives.

Ang karakter niya sa serye ay ang magiging ka-love team ni Richard Gutierrez kaya naman 'naloka' umano siya nang makatambal niya for the first time ang Kapamilya actor.

“Nakakaloka talaga hindi ko ini-expect sa buong buhay ko na habang pinapanood ko ang mga pelikula ni Richard Gutierrez dati noong bata pa ako na makakatambal ko siya kahit kailan," pahayag ni Sue sa panayam sa kanya ni Mama Loi na uplaoded sa kanyang 'Showbiz Update' vlog sa YouTube.

“At heto na nga po, I’m very, very grateful. He’s such a gentleman sobrang bait po talaga ni Chard and sobrang tutok talaga niya dito sa project na ito at talagang kaabang-abang kaya sana suportahan at panoorin po ninyo ang Iron Heart,” masayang sambit pa nito.

Kahit na tutok siya sa trabaho, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang boyfriend na si Javi Benitez, ang mayor sa Victorias City, Negros Occidental.

“Lilipad po ako don (Sabado). Of course we have all our priorities and the people that we love understand those priorities that come with loving us.

“And I understand how Javi he does and he does with me also, so, it’s the right balance lang talaga that we really needed and siyempre communication and time for each other is very important also,” sabi ni Sue.

Nang mapag-usapan naman ang pagpapakasal, “Hindi! 26 (years old) palang ako guys. Ang bata ko pa.”