Cristy Fermin, nireal talk ang AMBS 2: "Ang pinaka-poste ng ALL TV ay si..."

Cristy Fermin, nireal talk ang AMBS 2: "Ang pinaka-poste ng ALL TV ay si..."

Cristy Fermin, nireal talk ang AMBS 2: "Ang pinaka-poste ng ALL TV ay si..."


 - Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin sa kanilang vlog ay ang mga nangyayari ngayon sa ALL TV

- Sinabi rin niyang hindi pa niya nakakausap si Willie Revillame kahit na marami na ang nangangamusta rito

- Umaasa naman siyang mas magiging maayos pa ang Wowowin sa muling pagbabalik nito sa ere ng ALL TV

Sa recent vlog ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, napag-usapan nila sa 'Showbiz Now Na!' ang mga nangyayari ngayon sa ALL TV, ang TV network ng AMBS 2.

Maging umano siya ay wala pang balita tungkol kay Willie Revillame at sa pagkawala sa ere ng show nitong Wowowin pansamantala.

"Alam mo hindi rin kami nagkakausap. Matagal na panahon na kaming hindi nagkakausap. Siguro sobrang busy niya para AMBS, sa ALL TV... Pero ako din. Nagtatanong din sa sarili ko ano na kaya ang nangyayari sa kanya sa AMBS.

"At si Willie Revillame ang unang-unang tinatanong sa atin. Ang pinakaposte ng ALL TV ay si Willie," sambit nito.

Marami raw napansin ang mga netizens sa inisyal na pagbubukas ng ALL TV kamakailan ngunit aniya'y "hilaw" pa raw ito pagdating sa production.

"Magpakatotoo tayo, hilaw pa ang ALL TV," chika nito at sana raw ay itinuon muna ng AMBS 2 ang pagbubuo sa production team ng ALL TV.