Maja, walang arteng tinanggap ang alok ng ABS-CBN kahit napapanood sa GMA: "Iba 'yung alaga sa akin..."

Maja, walang arteng tinanggap ang alok ng ABS-CBN kahit napapanood sa GMA: "Iba 'yung alaga sa akin..."

Maja, walang arteng tinanggap ang alok ng ABS-CBN kahit napapanood sa GMA: "Iba 'yung alaga sa akin..."


- Tinanggap nang buo ng aktres na si Maja Salvador ang alok ng ABS-CBN sa kanyang magkaroon ng special participation sa seryeng 'The Iron Heart'

- Nilinaw naman niyang hindi siya magtatagal sa serye dahil pang-'special participation' lang siya kaya't huwag na raw magtaka kung mawawala rin siya agad

- Magsisimulang umere sa ABS-CBN ang 'The Iron Heart' ni Richard Gutierrez sa November 14 kapalit ng '2 Good 2 Be True'

Balik-Kapamilya ang aktres na si Maja Salvador nang tanggapin niya ang isang mahalagang role sa pinaka-bagong action drama na tutukan sa ABS-CBN.

Ito ay ang 'The Iron Heart' na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez na nakatakdang umere na ngayong buwan ng Nobyembre.

Kahit na may mga balita noong iiwanan na ni Maja ni Kapamilya Network, pinatuyan niyang ulit na welcome na welcome siya sa paggawa ng serye ng ABS-CBN.

Kasama siyang humarap sa mga Kapamilya sa grand mediacon ng serye kasama sina Richard Gutierrez, Sue Ramirez, Jake Cuenca, Dimples Romana, at iba pang artistang mapapanood sa 'Iron Heart'.

“Madali lang ako napapayag. Of course, it’s under Star Creatives. Ang dami ko na nagawang magagandang shows sa Star Creatives, Legal Wife, Bridges of Love, iba yung alaga sa akin ng Star Creatives family,” masayang pahayag ni Maja.

Sabi pa ng aktres, agad din siyang 'naglanding' sa Cebu kung saan shinoot ang teleserye. Nilinaw din niyang hindi pangmatagalan ang role niya doon dahil hindi naman siya mismong ang leading lady ng bida.

“Hindi siya bago sa akin pero sobrang importanteng ito because it’s ABS-CBN. Ang ABS-CBN ay ang ganda gumawa ng isang teleserye. Na-miss ko gumawa ng isang love story,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat naman si Richard kay Maja dahil tinanggap niya ang offer na maging parte ng The Iron Heart, “Eksakto yung timing ng pagpasok ni Maja. We couldn’t be happier to have her onboard. We’re very thankful kay Maja na tinanggap niya.”