Cristy, nag-react sa mga AlDub fans na inakusahang edited ang pictures nina Arjo at Maine sa Paris: "grabe!"

Cristy, nag-react sa mga AlDub fans na inakusahang edited ang pictures nina Arjo at Maine sa Paris: "grabe!"

Cristy,  nag-react sa mga AlDub fans na inakusahang edited ang pictures nina Arjo at Maine sa Paris: "grabe!"


 - Nag-react si Cristy Fermin sa nasagap niyang balita na sinasabi ng ilang mga AlDub fans na edited daw umano ang litrato nina Arjo at Maine sa Paris

- Ito ay matapos icelebrate nina Maine ang 32nd birthday ni Arjo sa Paris nang magkasama

- Matatandaang nagviral kamakailan ang tinaguriang 'AlDub cult' dahil sa video nilang may hawak-hawak na kandila habang naniniwalang may tinatagong anak ang 'AlDub'

May komento ang entertainment writer na si Cristy Fermin hinggil sa nabalitaan niyang balita sa mga bagong ipinapakalat ngayon ng mga AlDub fans.

Sinasabi kasi ng ilan na edited ang litrato nina Maine at Arjo nang lumipad sila sa Paris upang icelebrate ang birthday ng aktor doon.

Hindi naman natuwa si Cristy sa mga ito at nagbigay pa ng kanyang saloobin sa nasagap niyang chika.

Sa latest vlog niya sa 'Cristy Ferminute' sa YouTube, nilabas niya ang kanyang reaksyon patungkol sa isyu.

“Ewan ko naman kung saan na naman nanggagaling sa utak ng mga saradong miyembro ng AlDub na ito na 'yun daw pong mga larawan na lumalabas nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Paris, France ay puro daw po photoshopped.”

"Grabe!" dagdag pa nito.

"Ano ba talaga ang gustong palabasin ng mga AlDub? Bigyan naman natin ng kaligayahan si Menggay, please," ani naman ng kanyang co-host na si Rommel.

“Ito 'yung maling pagyakap sa idolo,” tugon naman ni Cristy.