Alexa Ilacad nainis sa netizen kaugnay sa relasyon nila ni KD: "And please, enough..."

Alexa Ilacad nainis sa netizen kaugnay sa relasyon nila ni KD: "And please, enough..."

Alexa Ilacad nainis sa netizen kaugnay sa relasyon nila ni KD: "And please, enough..."


 - Hindi nagustuhan ni Alexa Ilacad ang naging komento ng isang netizen na nagpupumilit na mag-dyowa sila ni KD Estrada

- Dineny nitong boyfriend niya si KD ngunit sila ay 'exclusively dating' pa lang raw, ayaw daw muna kasing lagyan ng 'label' ang kanilang relasyon

- Nagsimulang ma-link at dalawa nang magkasama sila bilang celebrity housemates sa 'Pinoy Big Brother: Kumunity'

Tila napikon na ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa isang netizen na gustong siyang umamin na magboyfriend na sila ng ka-loveteam na si KD Estrada.

Sinunog na ni Alexa ang ilusyon ng ilang mga netizens na nagpapakalat ng maling impormasyon sa relasyon nila ni KD sa social media.

Ito ay matapos niyang mabanggit na wala pa siyang boyfriend sa kanyang YouTube vlog. Ilang reaksyon naman mula sa netizens ang natanggap ni Alexa dahil sa kanyang sinabi.

“Talaga ba? Wala ka pang boyfriend? Mameteyyyyyyy?” ani ng isa.

“Cge ka baka magtampo si kiddy. Baka ang nag iisang boyfriend mo mawawala…… Wag naman sana,” komento pa ng isang netizen.

Sagot naman niya, sana raw ay tigilan na ng mga netizens ang mga komentong ganito dahil napapagod na raw siyang ipaintindi na 'exclusively dating' pa lang sila ni KD at wala pang label.

“Please, enough about this. Pagod na po akong ipaintindi sa inyo kung ano ibig sabihin ng exclusively dating. Gusto niyong aaminin ko na kami na, eh sa hindi pa nga po talaga.

“But KD and I have an understanding with each other and we are both secured. It’s really not that deep.

“And please, enough with threatening me na iiwan ako. Lagi na lang,” paliwanag ni Alexa.

Nagtambal ang dalawa sa hit iWantTFC Originals na 'Run To Me' bilang Jewel at Wilson.