Aljur, "commitment" ang gustong iregalo kay Kylie; May mensahe para kay AJ Raval

Aljur, "commitment" ang gustong iregalo kay Kylie; May mensahe para kay AJ Raval

Aljur, "commitment" ang gustong iregalo kay Kylie; May mensahe para kay AJ Raval


 - Sinabi ni Aljur Abrenica na sa darating na kapaskuhan daw ay magkaibang regalo ang gusto niyang ibigay kina Kylie Padilla at AJ Raval

- 'Commitment' daw ang ibibigay niya kay Kylie dahil makakaasa raw itong aalagan niya ang kanilang mga anak

- Samantala, may wish naman siya kay AJ Raval na sana'y maging masaya ito at mangyari ang lahat ng ikakabuti ng aktres

Magkaiba ngunit 'di nagkakalayo ang ang hiling ng aktor na si Aljur Abrenica para kina Kylie Padilla at sa rumored girlfriend nitong si AJ Raval.

Sa panayam sa kanya ni Morly Alinio sa kanyang YouTube vlog, nabanggit nito ang kanyang mga plano sa pasko nang tanungin siya ni Morly.

Aniya, marami siguradong mga salu-salo ang mga pupuntahan niya ngayong kapaskuhan. Tinanong din siya kung anong regalo ang ibibigay niya sa anak nila ni Kylie na sina Alas at Axl.

Laruan daw ang balak niyang ibigay dahil mahilig daw dito ang kanyang mga anak. Motocross kay Alas, habang excavator naman ang gusto ni Axl.

Para naman sa regalo niya kay AJ Raval, “Ang gusto ko lang sa kaniya, ano eh, maging masaya siya. Na lahat ng wishes niya, lahat ng makakabuti para sa kaniya, mangyari. Di ko alam kung maibibigay ko ‘yun, pero wini-wish ko ‘yun para sa kaniya," sagot ni Aljur.

Sinundan naman ito ng tanong kung ano ang nais niyang ibigay kay Kylie. 'Commitment' daw ang ibibigay nito.

“Commitment na I’ll always be there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nariyan para sa kanila whenever they need me and love,” pahayag ni Aljur.

Kahit na naghiwalay na sina Aljur at Kylie, parehas naman nilang inaalagan ang anak nilang dalawa at hindi lang isa ang nagaasikaso rito.