Talent agency nina Song Joong-Ki at Kim Tae-Ri, may kinumpirma sa 'di umano'y pagde-date ng dalawa

Talent agency nina Song Joong-Ki at Kim Tae-Ri, may kinumpirma sa 'di umano'y pagde-date ng dalawa

Talent agency nina Song Joong-Ki at Kim Tae-Ri, may kinumpirma sa 'di umano'y pagde-date ng dalawa


- Viral ang Korean stars na sina Song Joong Ki at Kim Tae Ri matapos umanong makitang magka-holding hands ang dalawa sa viral picture

- Nag-spark naman agad-agad sa social media ang litrato dahilan upang mabuo ang mga chikang nagde-date palihim ang dalawa

- Naglabas naman ng pahayag ang dalawang talent agency at may kinumpirma nga tungkol sa dating rumors

 May dating rumors na namang nabuo sa pagitan ng Korean stars na sina Song Joong Ki at Kim Tae Ri matapos silang makitang magka-hawak kamay kamakailan.

Pangalawang beses na ring nali-link si Joong Ki sa aktres matapos ang pelikula nilang 'Space Sweepers' na nag-debut sa Netflix noong 2021 na sinuportahan ng mga Pinoy.

Ayon sa mga Korean media outlets, sa Paris nakuhanan ang viral picture ng dalawa na mabilis kumalat sa internet at bumenta sa fans ng dalawa.

Ngunit nito lang Oktubre, parehong may nilinaw ang High Zium Studio at Management mmm, talent agency nina Joong Ki at Tae Ri, hinggil sa kanilang viral picture.

Kinumpirma ng dalawang talent agency na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita. Inilarawan din nila ang rumor bilang "completely untrue" at "completely false".

Bumida si Song Joong Ki sa 'Descendants of the Sun', 'Vincenzo', at marami pang iba. Nakilala naman si Kim Tae Ri sa serye niyang 'Mr. Sunshine', at 'Twenty-One, Twenty-Five'.