Karla Estrada, may matinding sagot sa 'di umano'y paghihiwalay ng KathNiel

Karla Estrada, may matinding sagot sa 'di umano'y paghihiwalay ng KathNiel

Karla Estrada, may matinding sagot sa 'di umano'y paghihiwalay ng KathNiel


 - May sagot si Karla Estrada sa isang netizen na tinanong siya hinggil sa 'di umano'y paghihiwalay ng KathNiel

- May maikli itong sagot ngunit madiin niyang sinabing walang katotohanan ang sinabi ng netizen sa relasyon ng KathNiel

- Matatandaang nag-viral ang KathNiel sa social media matapos nilang sagutin ang tanong kung ano ang 'loyalty' para sa kanila

Maraming netizen ang hindi maintindihan ang naging sagot ng real-life at on screen partners na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang tanungin sila patungkol sa 'loyalty'.

May mga fans na binigyan ng malalim na kahulugan ang sagot ng dalawa dahilan upang magtrending na hiwalay na umano ang KathNiel.

Ito'y matapos nilang magbigay ng sagot sa finale mediacon ng '2 Good 2 Be True' sa tanong na kung ano ang depinisyon ng 'loyalty' para sa kanilang dalawa.

“Loyalty for me is being contented because if you’re contented, you won’t look for anymore person… So loyalty equals contentment,” sagot ni Kathryn.

Sumunod namang sumagot si Daniel na tila iniisip nang mabuti ang kanyang isasagot. “Alam mo kung sino ‘yung pinaka-loyal? ‘Yung aso ko, si Summer. ‘Yun ang pinaka-loyal. Doon ko makikita ang definition ng loyalty.

“Kahit ano man ang pinagdaraanan ko ngayon, kung ano man ang sitwasyon ng emosyon ko ngayon, sino ako ngayon, tatanggapin ako nang buong-buo. ‘Yun ang loyalty. Walang judgment kung sino ka,” tila hugot ni Daniel.

Isang netizen naman ang naging apektado sa isyu at napapunta pa sa Instagram post ni Karla Estrada kung totoo ang chismis ng mga marites.

“Tita Karla please enlighten us na hindi totoo na break na ang kathniel of may prob sila po… may naglalabasan po kasing mga comment sa tiktok dahil lang sa pagsabi DJ na si Summer ang definition ng pinakaloyal niya, tanong ng IG user.

Maikli at matindi naman ang tugon ni Karla rito. Aniya, “WALANG KATOTOHANAN!!”