JM de Guzman, diniretsong may gusto siya kay Donnalyn: "Nanliligaw? Sana..."

JM de Guzman, diniretsong may gusto siya kay Donnalyn: "Nanliligaw? Sana..."

JM de Guzman, diniretsong may gusto siya kay Donnalyn: "Nanliligaw? Sana..."


 - Inamin ni JM de Guzman sa isang panayam ng PEP kung ano talaga ang tingin niya sa social media influencer na si Donnalyn Bartolome

- Matatandaang nagpost kamakailan si JM ng isang pasasalamat sa lahat ng bumati sa kanya sa kanyang Instagram account

- Muli namang mapapanood ang Kapamilya actor sa Dreamscape teleserye na 'Linlang' sa 2023

Hindi na dineny pa ng Kapamilya star na si JM de Guzman kung mayroon siyang pagtingin sa internet celebrity at influencer na si Donnalyn Bartolome.

Ito'y matapos magpost si JM ng isang pasasalamat sa lahat ng mga bumati sa kanyang kaarawan habang makikita sa picture ang nakuhanang sweet photo nilang magkasama.

Ang naturang picture ay kuha mula sa surprise birthday celebration ni JM na inihanda ni Donnalyn na agad namang kinagat ng netizens bilang hot topic online.

Approved naman sa netizens kung sakaling magkatuluyan ang aktor at si Donnalyn dahil bagay naman umano silang dalawa bilang mag-couple.

Sa panayam naman sa kanya sa entertainment website na PEP, inamin ni JM na mayroon nga siyang gusto kay Donnalyn at napapag-isipan na rin ang pangliligaw.

“May gusto ako sa kanya. Isa niya akong tagahanga. Nanliligaw? Sana, nagpaparamdam,” pahayag nito.

Nang matanong naman siya kung alam ni Donnalyn ang paghanga niya rito, "Ngayon malalamaan na niya," maikling sambit ni JM.

Ayon pa sa kanya, ready na siya ngayon sa panibagong relasyon dahil "Matagal-tagal na rin akong wala sa relasyon," aniya.

Muling mapapanood ang Kapamilya actor sa Dreamscape teleserye na 'Linlang' sa 2023 kasama si Kim Chiu at Paulo Avelino.