Pag-sigaw ni Bella Poarch ng 'Darna', umabot na sa milyon ang views

Pag-sigaw ni Bella Poarch ng 'Darna', umabot na sa milyon ang views

Pag-sigaw ni Bella Poarch ng 'Darna', umabot na sa milyon ang views
 - Pati ang kilalang social media celebrity na si Bella Poarch ay napasabak na rin sa 'Darna craze'

- Si Darna ang napiling gampanan ni Bella para sa Halloween ngayong taon na umani na ng mahigit milyong views

- May isang netizen naman ang nag-suggest sa kanyang isigaw din ang iconic line ni Darna na “Ding, ang bato!”

Talagang hindi maikakailang nagdulot na naman ng bagong craze ang 'Darna' ngayong taon na pinagbibidahan ng Kapamilya star na si Jane de Leon.

Mula sa TikTok hanggang sa Twitter, laging hot topic ang bawat episodes ng nasabing serye lalo na nang ibinandera na ang mga mapangahas na ahas ni Valentina.

Puri rin ng casual viewers ang improved CGI ng serye dahil malaki ang gampanin nito sa takbo ng kwento lalo na't gumagamit ng kapangyarihan ang mga 'extras'. 

Matatandaang nag-trending noon online ang linyang “Ding, ang bato!” nang opisyal nang sinigaw ni Jane ang linya para sa isang episode ng Darna. Dito na rin nagsunod-sunod na magkaroon ng bagong viral craze online. 

Umabot na nga rin ang Darna sa TikTok star na si Bella Poarch. Ito rin ang naging look niya para sa Halloween ngayong taon. 

Makikita sa kanyang costume ang pagkakahalintulad nito sa bagong bersyon na costume ni Jane na siyang ginagaya ngayon ng mga netizens. Mas ala-“warrior” kasi ang costume ni Jane kumpara sa ibang nag-Darna kaya naman mas nagustuhan ito ng publiko. 

Sinigaw din ni Bella ang linyang “Darna” sa kanyang viral TikTok video. Umabot na sa mahigit 2 Million views ang kanyang costume bilang si 'mighty warrior' Darna ng Marte. 

@bellapoarch #darna ♬ original sound - Bella Poarch

 Mapapanood ang 'Darna' gabi-gabi, 8PM, sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Jeepney TV, CineMo, iWantTFC at TFC Worldwide.