Wilbert Tolentino, pinalagan ang pa-blind item ng PEP kay Herlene Budol: "Happy???"

Wilbert Tolentino, pinalagan ang pa-blind item ng PEP kay Herlene Budol: "Happy???"

Wilbert Tolentino, pinalagan ang pa-blind item ng PEP kay Herlene Budol: "Happy???"


 - Tila hindi natuwa si Wilbert Tolentino sa inilabas na article ng PEP na isang blind item para kay Herlene Budol

- Ayon kasi sa article, dumami raw bigla ang mga restrictions ng isang comedienne ngayong mas sikat na ito kumpara dati

- Sure naman daw siyang ang alaga niyang si Herlene Budol ang tinutukoy ng entertainment website na PEP sa kanilang blind item

Pinalagan ni Wilbert Tolentino, ang manager ni Herlene Budol, ang isang article na pa-blind item galing sa malaking news website na PEP. 

Nag-upload kasi ito online na may isang comedienne raw na kamakailang nagpalit ng image ay mas lumaki ang restrictions kahit sa mga guesting sa mga weekly shows.

Nabanggit din nito na 'strict' ang paglabas ni comedienne sa mga palabas na SPG at baka raw sa mga hindi pang-'SPG' na palabas lang siya makikita. Pang-'wholesome' raw kasi ito.

Shinare naman ni Wilbert ang post ng PEP at saka ipinaliwanag ang kanyang pahayag. Sure raw kasi siyang si Herlene Budol ang tinutukoy ng article.