Video ni Julia Barretto na ibinunyag na taken na si Donny Pangilinan, viral

Video ni Julia Barretto na ibinunyag na taken na si Donny Pangilinan, viral

Video ni Julia Barretto na ibinunyag na taken na si Donny Pangilinan, viral


 - Viral sa online world ang 'pagkakadulas' umano ni Julia Barretto sa relationship status ni Donny Pangilinan

- Nag-guest ito sa 'Tropang LOL' at naglaro sa segment nilang 'Maritest' at doon na nga niya 'di sinasadyang masabing taken na si Donny

- Kahit hindi sinabi kung sino ang girlfriend ng aktor, mabilis na kumalat na ito'y walang iba kundi si Belle Mariano

Viral ang video ni Julia Barretto nang mag-guest siya sa noontime show na 'Tropang LOL' upang maglaro sa 'Maritest' segment ng programa.

Sa rules ng game, sasagutin ni Julia ang tanong na babanggitin ng host na may patungkol sa mundo ng showbiz industry.

Nagkataon namang kasama si Donny Pangilinan sa mga choices sa tanong na kung sinong aktor ang nali-link ngayon sa YouTube vlogger na si Bella Racelis.

Maliban kay Donny, si Joshua Garcia, Diego Loyzaga, at Alden Richards ang mga aktor na kasama sa choices.

Tila nadulas naman si Julia ng banggitin niya ang pangalan ni Donny at nasabing malabong maging si Donny ito dahil 'taken' na ang aktor.

“Donny? Ay hindi Donny taken na si Donny,” hirit ni Julia.

Kahit na hindi naman nabanggit ni Julia kung sino ang naka-taken kay Donny, obvious namang walang iba kundi si Belle Mariano ito.

Hindi na rin nakakapagtaka na mabilis itong nagtrending sa Twitter world at napuno ng kilig ang mga DonBelle fans.

Matatandaang naging super hit worldwide ang Kapamilya series na 'He's Into Her' tampok ang ulitimate Kapamilya love team na DonBelle.