Ryza Cenon inireklamo sa Maynilad ang mataas na Water Bill nila, "Ano kami may carwash?"

Ryza Cenon inireklamo sa Maynilad ang mataas na Water Bill nila, "Ano kami may carwash?"

Ryza Cenon inireklamo sa Maynilad ang mataas na Water Bill nila, "Ano kami may carwash?"
- Naglabas ng kaniyang pagka dismaya si Ryza sa kaniyang Facebook page

- Ibinahagi nito ang naging current month bill nila sa Maynilad

- Umabot kasi sa mahigit sa 120K ang bill nila

Naglabas ng kaniyang pagka dismaya sa kaniyang social media account si Ryza Cenon patungkol sa pagdating ng kanilang water bill mula sa Maynilad.

Inirereklamo nito ang tila hindi makatarungang pagtaas ng kanilang water bill, na mula sa nakaraang buwan na bill na P3k ay umakyat ito bigla sa P120k sa kasalukuyang buwan.

Nagbiro pa tuloy ang aktres na kung sila ba ay mayroong carwash para magkaroon ng ganoong kalaking water bill sa loob lamang ng isang araw.

"Ano kami may carwash?
10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm."

"So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 3,680 last month ngayon 120k?!!!?????," bulalas na tanong ni Ryza kaakibat ang pag tag niya sa Maynilad.

Wala pang sagot ang Maynilad sa reklamong ito ni Ryza.