RR, may say din sa chikang hiwalay na ang ViceIon: "'Yung friend ko tinanong siya..."

RR, may say din sa chikang hiwalay na ang ViceIon: "'Yung friend ko tinanong siya..."

RR, may say din sa chikang hiwalay na ang ViceIon: "'Yung friend ko tinanong siya..."


 - May pahayag si RR Enriquez sa tsismis na hiwalay na ang ViceIon base sa chika 'di umano ni Cristy Fermin

- Sinabi niyang hindi siya naniniwalang naghiwalay na ang dalawa dahil in love na in love umano si Ion kay Vice

- Tinanong din daw niya ang friend niyang friend si Ion at saka kinuwento kung gaano kaganda ang relasyon ngayon ng mag-asawa

Masaya at maayos kung ilarawan ni RR Enriquez ang relasyon ni Vice Ganda at ni Ion Perez na siya ngayong ginagawan ng tsismis patungkol sa 'di umano'y paghihiwalay ng dalawa.

'Sinawsawan' kasi ni 'Sawsawera Queen' ang isyung ito at sinabing hindi siya naniniwalang hiwalay na ang ViceIon taliwas sa ipinakalat umano ni Cristy Fermin.

"Itong chismis na ito ay nanggaling kay 'Nay Cristy. So hindi po sa'kin galing. Sasawsawan lang po natin," paglilinaw ni RR sa kanyang YouTube vlog.

"I want to believe na hindi sila hiwalay ni Ion. Kasi I have a friend who's close to Ion. Chismis ito pero magandang chismis. Hindi ko papangalanan. Grabe raw sobrang in love daw talaga si Ion kay Vice Ganda. And si Ion, sobrang tino daw talaga," pagkukwento niya.

Natanong din daw ng friend niya kung bakit ayaw mambabae ni Ion ngayong hindi naman daw malalaman ito ni Vice.

Tugon nito, "'Yung friend ko tinanong siya [Ion}, 'bakit ayaw mong mambabae? HIndi naman malalaman ni Vice Ganda. Ta's sagot daw ni Ion, lalake itong friend ni Ion. Hindi daw niya kayanga gawin kay Vice Ganda 'yun kasi nga sobrang bait daw ni Vice Ganda. Parang hindi raw niya kayang gumawa ng mga milagro para raw masaktan si Vice Ganda."