Chiz Escudero, sasampahan ng reklamo si Cristy Fermin dahil sa tsismis nito?

Chiz Escudero, sasampahan ng reklamo si Cristy Fermin dahil sa tsismis nito?

Chiz Escudero, sasampahan ng reklamo si Cristy Fermin dahil sa tsismis nito?


 - Mukhang 'di nagustuhan ni Chiz Escudero ang tsismis na ipinakalat ni Cristy Fermin kamakailan patungkol sa 'di umano'y paghihiwalay nila ni Heart Evangelista 

- Maugong na rin sa internet ang umano'y opisyal na pagpapadala ni Chiz ng complaint letter kay Cristy at may magaganap na hearing ngayong Setyembre

- Ayon pa sa chika, papalagpasin sana ito ni Chiz ngunit gusto niyang maturuuan ng leksyon ang pagpapakalat ng maling impormasyon ni Cristy

Matatandaang nag-viral kamakailan sa social media ang chika ng batikang manunulat na si Cristy Fermin patungkol sa 'di umano'y paghihiwalay nila ng asawang si Heart Evangelista.

Tila dineadma lang ito ni Heart at hindi na gumawa pa ng banat kay Cristy sa tsismis na inilabas nito. Ngunit mukhang si Chiz naman ang papalag sa balita ng kolumnista.

Sa bagong videong inilabas ng Energy FM 106.7 kahapon, September 1, inulat nitong nagpadala na ng complaint letter si Chiz kay Cristy at inaasahang may magaganap na hearing ngayong buwan.

Pinangunahang ichika nina Kapitana Sisa at Tita Cora ang balitang ito sa segment nilang 'The Baklitas' sa YouTube channel din ng nasabing radio station.

"Kasabay ni Jose Mari Chan, lumabas na rin 'day ang chikang dala-dala ko. Nako nakakaloka ito mare 'di mo kakayanin!" chika ni Kapitana Sisa kay Tita Cora.

"Kasabay ni Jose Mari Chan, lumabas na rin pala ang reklamo marse na ipinadala ni Chiz Escudero laban kay Cristy Fermin. 

"Pormal nang natanggap ni Cristy Fermin 'yung cyber libel complaint ni Chiz Escudero kay Cristy Fermin," dagdag pa ni Kapitana Sisa.