Ogie Diaz sa 'di umano'y ABS-CBN-GMA teleserye collab: "ito'y umpisa na..."

Ogie Diaz sa 'di umano'y ABS-CBN-GMA teleserye collab: "ito'y umpisa na..."

Ogie Diaz sa 'di umano'y ABS-CBN-GMA teleserye collab: "ito'y umpisa na..."


 - Viral kamakailan ang mga balitang magkakaroon daw ng serye sina Joshua Garcia ng ABS-CBN at Gabbi Garcia ng GMA Network

- Ang nasabing teleserye raw ay bubuuin at ang hahawak umano sa production nito ay ang Dreamscape Entertainment

- Wala namang kumpirmasyon ang dalawang panig ngunit mukhang excited na si Ogie Diaz sa proyektong ito

Tila nagiging posible na ang mga collaborations ng dalawang naglalakihang networks sa bansa sa pagdating ng panibago umanong aabangan sa Kapamilya at Kapuso.

Pagkatapos ng pagpapalabas ng GMA Network sa mga Star Cinema films sa kanilang istasyon, may panibago 'di umanong niluluto ang dalawang kompanyang proyekto para kina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.

Mukhang excited naman na rito ang showbiz manager na si Ogie Diaz na baka simula na raw ito ng pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at GMA.

“Pero 'yung napipintong pagsasanib-pwersa ng GMA saka ng ABS-CBN, sa pamamagitan ni Joshua Garcia at Gabbi Garcia, bubuo daw ng isang teleserye,” ani Ogie sa kanyang bagong 'Showbiz Update' vlog.

“At ang Dreamscape daw ang siyang mamamahala ng production,” dagdag pa niya.

Natanong naman ni Mama Loi kung magiging simultaneous ang pagpapalabas nito sa mga channels o mapapanood lang sa iWantTFC.

“Ayan ang abangan naman natin, kung gaanong katotoo iyan?” tugon ni Ogie.

“Kung ito'y totoo man, ay ito’y umpisa na, diba, ng pagsasanib-pwersa.

"Talagang hindi pa rin nahihinto ang ABS-CBN sa kanilang commitment sa taong-bayan na bigyan ng makubuluhang entertainment ang taong-bayan sa ayaw at sa gusto ng iba,” dagdag pa niya.