Shaina, totoong nasaktan sa kanyang mga huling eksena sa Ang Probinsyano

Shaina, totoong nasaktan sa kanyang mga huling eksena sa Ang Probinsyano

Shaina, totoong nasaktan sa kanyang mga huling eksena sa Ang Probinsyano

Ibinahagi ni Shaina Magdayao noong Huwebes ang isang behind-the-scenes na larawan niya na nagpakita ng pisikal na epekto ng pagkuha ng isang mabibigat na eksena, kung saan ang karakter niyang si Roxanne ay sinaktan bago siya pinatay, isang lingo matapos ang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Si Roxanne at ilang iba pang miyembro ng Task Force Agila ay namatay sa huling episode ng “Ang Probinsyano.”

Sa Instagram, ipinost ni Shaina ang buong eksena ng sekswal na pananakit kay Roxanne at pagkatapos ay binaril. “The rape and death scene of Police Major Roxanne Opeña ……. that caused the popping of my blood vessels on the face,” ani ng Kapamilya actress.

Sa isang kasunod na post, inalala ni Shaina sa kanyang dalawang taong paglalakbay bilang parte ng “Ang Probinsyano,” kasama ang cast at creative team na tinuturing niya na ngayon na pamilya. 

“Panginoon, maraming salamat sa napakagandang blessing na ito, ang show ng #FPJsAngProbinsyano at ang mga tao na bumubuo nito na matatawag kong isang #pamilya,” wika ng aktres sa kanyang caption kasama ang litrato kung saan nakaharap siya sa isang krus.

“Lord, during the pandemic, when the rest of the world was going through so much ‘lack,’ You have handpicked each and every person behind this show and you have blessed us with ‘abundance’ —opportunities to earn through this job we all love to do, use our God given talents to express ourselves and serve our mother network ABS-CBN and the Filipino viewers.”

“Gaya nga ng sabi ni Major Roxanne Opeña, sa dinami dami ng pinagdaanan nating lahat, kahit saan siguro tayo dalhin ng buhay, hindi mawawala sa puso natin ang isat isa. Kaya maraming salamat sa inyo. Ma mimiss ko kayo at hinding hindi ko kayo makakalimutan.”

“At kung bigyan man ulit ako ng pagkakataon na ulitin lahaaat ng ito, lahat ng hirap, saya, lahat ng sakripisyo, wala akong papalitan ni isa sa inyo….. ISANG PREBILIHIYO NA LUMABAN KASAMA NINYONG LAHAT AT IPAGLABAN ANG TAMA.”

“Major Roxanne Opeña, now singing off.”