RR na-gets na kung bakit si Jane ang Darna: "hindi lang pang s*x symbol... Pang high class packaging"

RR na-gets na kung bakit si Jane ang Darna: "hindi lang pang s*x symbol... Pang high class packaging"

RR na-gets na kung bakit si Jane ang Darna: "hindi lang pang s*x symbol... Pang high class packaging"


 - May komento muli ang TV personality na si RR Enriquez ukol sa pagpapalit-anyo ni Jane de Leon bilang 'Darna' kahapon, August 19.

- Pinuri niya si Jane dahil pang-Wonder Woman ang 'peg' nito at hindi ang tipo na 'pagnanasaan' ng mga tao 

- Napatunayan din daw ni Jane na hindi kailangang maging 'super pasexy' na Darna na pagpapantasyahan dahil lang sa katawan

Viral at trending kahapon ang transformation ni Jane de Leon bilang Darna sa una niyang paglipad kahapon, Friday, August 19.

Puring-puri ng mga casual viewers worldwide kung gaano ka-swak kay Jane ang role bilang isang 'warrior' at sa galing nito sa pag-arte.

Hindi rin pinalagpas ng netizens na bigyang opinyon ang bagong costume ng Darna na hawak ngayon ng production unit ng ABS-CBN, ang JRB Creative Production.

Maituturing kasing 'big reveal' ito dahil sa ilang mga pa-teaser ng Kapamilya Network na pinapa-excite ang mga tao para sa revamped costume ng Darna na nangyari na nga kahapon.

Hindi na uso sa Darna 2022 ang mabagal at puro usok na pagpapalit-anyo ni Narda at pinalitan nalang ng mabilis at nakakamanghang transformation upang epektibong maisalba ang mga tao. Isa rin ito sa mga ikinatuwa ng viewers.

Isa rin si RR Enriquez sa mga nakaabang kay Jane bilang Darna kahit na noo'y binigyan niya ito ng kritisismo dahil wala umanong 'dating' si Jane para sa susunod na protektor ng bato.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni RR ang official poster ni Jane habang nakasuot na ng bagong costume nito. At saka namang nagkomento ng, "Hindi sya yung tipo na pag nanasaan mo dahil napaka inosente ng dating nya. 

"Hindi katulad ng dating nila Angel and Marian na pagnanasaan mo agad. Yung makakaubos ka ng madaming tissue CHAROT," panimula nito.

Na-gets na nga rin daw niya kung bakit si Jane na ang napiling Darna. Parang Wonder Woman nga rin daw ang 'peg' ni Jane dahil hindi kailangang mag pasexy upang ipakitang siya si Darna.

"Parang gets ko na why she was chosen as Darna.

"Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (wonder woman in her) Hindi din sya pa super sexy diba?

"So that’s what I saw with Jane.. Pinatunayan nya na hindi kailangan maging super pasexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body." aniya.

Sa character daw niya, nakita raw niyang hindi lang ginawang parang 's*x symbol' ang Filipina superhero.

"But sa character na nakita ko parang nagets ko na they wanted to show us na hindi lang pang s*x symbol, sexy fantasize si new Darna. You can love her and focused on her other characteristics…. A strong define classy young empowered DARNA!" dagdag pa nito.

 Narito ang kanyang buong pahayag: